Kris natatakot na rin sa pagmumulto sa ‘HSDNBK’


MAS lalo pang tumataas ang rating ngayon ng horror-suspense-drama afternoon series ng GMA na Hanggang Sa Dulo Ng Buhay Ko starring Kris Bernal, Rayver Cruz and Megan Young.

Inamin ng tatlong bida ng Kapuso serye na mas matindi ngayon ang mga eksenang ginagawa nila dahil lumebel up na rin ang paghihiganti ni Naomi (Kris) laban sa mag-asawang Matteo (Rayver) at Yvie (Megan). Lalo na si Kris na umaming natatakot na sa mga pinaggagagawa niya sa serye bilang hindi matahimik na kaluluwa.

Kahit nga si Kim Domingo na gumaganap bilang Katya ay nagugulat sa mga ipinagagawa sa kanya ng kanilang direktor na si Jorron Lee Monroy simula nang sumanib sa kanya ang kaluluwa ni Naomi. Ani Kim, marami pa raw twists and turns na mangyayari sa karakter niya lalo’t nakipagsanib-pwersa na si Naomi sa demonyo.

Ang isa pa sa mga natsa-challenge ngayon ay si Denise Barbacena na gumaganap bilang Brooke na ginagamit din ni Naomi para maisakatuparan na ang kanyang plano na maisama sa kabilang buhay sina Matteo at Yvie bilang ganti sa panloloko sa kanya.

Ayon pa sa mga bida at kontrabida ng Hanggang Sa Dulo Ng Buhay Ko, napakarami pang mangyayari sa kuwento na siguradong ikagugulantang ng manonood. Kaya huwag nang bibitiw sa pagtutok sa HSDNBK, Lunes hanggang Sabado sa GMA Afternoon Prime after Eat Bulaga.

Read more...