Juday payag nang makasama si Piolo sa pelikula, pero…


EXCITED si Judy Ann Santos sa posibilidad ng pagsasama nila ni Claudine Barretto sa isang project.

“Posibleng-posible naman. Wala naman nang imposible sa panahon ngayon at lagi ko nga sinasabi na I’m looking forward to work with Claudine, totoo ‘yan,” pahayag ng Soap Opera Queen na muling mapapanood sa primetime simula sa Lunes sa pagsisimula ng kanyang bagong serye, ang Starla.

“Ilang years ko na sinasabi na sana, at some point, makagawa kami ng pelikula ni Clau kasi it would be really nice to work with her,” lahad pa ni Juday.

Tungkol naman sa reunion project nila ni Piolo Pascual, “Wala pa ‘yung last time na sinabi ko. Mayroon kasing nag-offer, pero hindi natuloy, hindi kami nagkasundo with so many things, with the story.

“May story naman na ino-offer, ngayon lang walang nag-o-offer sa amin. So ‘yun nga ‘yung sinabi ko before, it’s very critical for a Juday-Piolo reunion project kasi it should be very well thought of,” aniya.

Samantala, super excited na si Juday sa pagsisimula ng fantasy-drama series na Starla ngayong Oct. 7 sa ABS-CBN Primetime Bida pagkatapos ng FPJ’s Ang Probinsyano.

Read more...