Carlo umamin: Mahal ko ‘tong si Maine

CARLO AQUINO AT MAINE MENDOZA

NAGKAAMINAN sina Maine Mendoza at Carlo Aquino ng tunay nilang feelings para sa isa’t isa sa ginanap na mediacon para sa pelikula nilang “Isa Pa With Feelings” under Black Sheep Productions and APT Entertainment.

Natanong ang dalawa kung ano ang hinding-hindi nila makakalimutan sa isa’t isa habang ginagawa nila ang “Isa Pa With Feelings”. Sagot ni Maine, “Ang hirap mag-isip ng particular experience, pero siguro yung pagkakataon na makatrabaho ko siya, makilala ko siya, not just as Gali (role ni Carlo sa movie, but as Carlo Jose Liwanag Aquino, nakilala ko siya as a person, as an actor, and as a real person.”

“Sobrang laking bagay na sa akin iyon kasi bihira ka nga makahanap dito sa showbiz ng totoong tao, and isa si Carlo sa mga totoong taong nakatrabaho ko talaga,” dagdag ng Dubsmash Queen.

Sabi naman ni Carlo, “Para sa akin, yung kabuuan, yung kabuuan na habang ginagawa namin yung pelikula. Kasi nga, si Maine, very transparent, e. Madalang kang makakita ng ganoon sa industriya.

“Kung ano yung nararamdaman niya, kung papa’no siya sa araw na iyon, totoo siya. Yun yung isa sa mga tini-treasure ko,” aniya pa.

Gaano na ba sila ka-close ngayn, ano na ang level ng kanilang friendship? “Kung basag-basagin mo kasi ako, parang ganu’n-ganu’n na lang. Ha-hahaha! Pero mahal ko ‘to, mahal ko itong si Maine.”

Hirit naman ni Maine, “Kumportable po namin sa isa’t isa, na naglolokohan kami sa set, sobrang nagbibiruan. Hindi mo alam kung napipikon na ba yung isa,” dugtong pa ng dalaga.

Puring-puri rin ni Maine ang ugali ni Carlo, “Easy to get along with ka naman talaga. Yung wala kang dating. Parang sobrang dali niyang i-approach, very friendly, very accommodating. Parang hindi ka mahihiya na i-approach siya, parang hindi ka mahihiya i-joke siya, kasi natatawa naman siya.”

In fairness, mukhang nangangamoy blockbuster din ang “Isa Pa With Feelings” base na rin sa pagiging trending topic nito araw-araw sa social media, bukod pa sa sandamakmak na ang naka-schedule na block screening para sa movie na showing na sa mga sinehan sa Oct. 16.

Promising din ang trailer nito kung saan gumaganap ngang pipi si Carlo na mai-in love sa karakter ni Maine.

Ito’y sa direksyon ni Prime Cruz at makakasama rin dito sina Cris Villanueva, Lotlot de Leon, Nikki Valdez, Kat Galang, Vangie Labalan, Geleen Eugenio at Rafael Siguion-Reyna.

Read more...