MAS tumindi pa ang passion ng Asia’s Multimedia Star Alden Richards sa pag-arte matapos magwagi bilang Personality of the Year sa ComGuild Media Awards.
“Isa na naman tong inspirasyon para sa akin to be a better version of myself every day. Itong award na ito ay dahil sa suporta ng fans, of course suporta ng pamilya ko, ng nanay ko, at siyempre suporta ng Diyos kaya para sa inyong lahat ito,” pahayag ni Alden.
Samantala, hanggang ngayon ay pinag-uusapan pa rin ng manonood at netizens ang tearjerker episode ng The Gift sa GMA Telebabad kung saan aksidenteng nabaril sa gitna ng isang riot sa Divisoria si Sep (Alden).
Siyempre, hindi naman pwedeng mamatay si Sep kaya siguradong mabubuhay siya matapos ang insidente ‘yun nga lang, mabubulag na siya at dito na nga magsisimula ang kanyang bagong misyon.
Sa social media, bumuhos ang ang magagandang komento mula sa mga sumusubaybay sa The Gift.
Ayon kay @Anthony82512253, “@gmanetwork #TheGiftLaban Tonight’s sob-inducing episode was due to the wonderful portrayal of their characters by @tinyhedwig @char_lola @MikoyMorales and @mikeequintos. We were still crying until the end credits.”
Hirit ni @Lala120800, “Sobra! Basang basa ng luha ang mga mata ko ang sakit sakit. Ang galing galing nyo lhat #TheGiftLaban.”
Para naman kay @dejesus_lyn, “Pati si Amor, kakaiyak yung story behind the hair clip, sweet ni Sep. Binigay nya yung hair clip ni Nanay Straw kay Amor para tumigil sa pag iyak. Huhu! Galing nyo!”
“I am reminded of It’s A Wonderful Life and this quote: Strange, isn’t it? Each man’s life touches so many other lives,” sey ni @MaiDenFan619.
Mensahe naman ni @JSanjuan34, “Grabe the saddest part of the gift nakaka iyak nadala ako huhuhu lalo kay aling straw naiiyak ako. Ang galing nyong lahat direk, pinahagulhol nyo kami ng iyak.”
Patuloy na subaybayan ang The Gift, Lunes hanggang Biyernes after Beautiful Justice.