MAGANDANG araw po sa Akyon Line. Matagal na po akong miyembro ng Philhealth at beneficiary ko ang aking asawa at isang anak. Gusto ko lang po sana na itanong sa Philhealth kung covered po ba ang laboratory test na gagawin sa aking asawa. Medyo may kahamahalan po kasi. Noong nagpa-check up po siya sa doktor, ang sinabi ay kailangan niyang mag-undergo ng MRCPA with live ducts. Kung sakali na hindi naman po maililibre ito, pwede po bang makahingi kami ng discount o ano po ang maganda namin na dapat gawin?
Gusto ko rin po na itanong sa Philhealth kung updated and aking contibution.
Sana po ay masagot ninyo ang aking katanungan.
Salamat po
Rarmond Jay
Eto po ang aking philhealth 02-05…
G. Raymond,
REPLY: Pagbati mula sa PhilHealth!
Ito po ay bilang pagtugon na amin pong natanggap ang inyong email.
Upang aming maibigay ang tamang kasagutan, maaari po bang malaman ang buong procedure o ang RVS code ng naturang procedure upang aming maberipika kung kasama ito sa listahan ng mga benepisyong maaaring matanggap mula sa PhilHealth.
Upang maberipika po namin ang inyong PhilHealth contributions, pakibigay po ang mga sumusunod na impormasyon:
Kumpletong Pangalan (Last Name, First Name, Middle Name)
Araw at Lugar ng Kapanganakan:
Tirahan:
SSS Number
Employer (present and previous):
Asahan po ang aming agarang pagsagot sa oras na matanggap ang mga nasabing detalye.
Maraming salamat po.
Lubos na gumagalang,
CORPORATE ACTION CENTER
Hotline: (02) 4417442
Text Hotline: (0917) 8987442
Website: www.philhealth.gov.ph
Email: actioncenter@philhealth.gov.ph
FB: https://www.facebook.com/PhilHealthofficial/
Twitter: https://twitter.com/teamphilhealth
Youtube: www.youtube.com/teamphilhealth
May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line?
Maaari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola st. cor. Pasong Tirad st., Makati City o kaya ay mag-email sa jenniferbilog@yahoo.com.ph or jenniferbilog1977@ gmail.com.
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran sa abot ng aming makakaya.
Ang inyo pong lingkod ay maaari rin mapakinggan sa Radyo Inquirer DZIQ 990AM sa Programang Let’s Talk; Mag-usap Tayo, tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes, alas-7 hanggang alas-8 ng gabi; at Isyu ng Bayan tuwing Linggo, alas-8 hanggang alas-10 ng umaga. Maaari rin po ninyo na matunghayan o mapanood sa pamamagitan ng live streaming www.ustream.tv/channel/dziq.