Sue Ramirez, Javi Benitez posibleng magkainlaban dahil sa ‘Kid Alpha One’

SUE RAMIREZ AT JAVI BENITEZ

MATANGKAD, maganda ang katawan, guwapo at ang lakas ng sex appeal.

Ganyan namin ilalarawan ang newcomer hunk model-actor na si Javi Benitez kaya naman ngayon pa lang ay inaabanga na ng kanyang fans, lalo na ng mga beki ang action film niyang “Kid Alpha One” under Brightlights Productions.

“I see to it na after work or kapag I have free time, nagwo-workout talaga ako. Not just for my body but for healthier life as well.
“Sayang naman kapag hininto ko, nandiyan na yan and I’m doing this movie na kailangan physically fit ka and ready ka always sa mga action scenes,” sabi ni Javi nang bisitahin namin sa shooting ng “Kid Alpha One” sa Epic Park sa Tanay, Rizal.

Launching film ito ni Javi kung saan makakatambal niya ang magaling na singer-actress na si Sue Ramirez. Pareho silang napalaban dito sa action scenes and death-defying stunts.
“It’s my first time, our first time together and yeah, happy ako working with her. She’s magaling. And we have action scenes sa movie together and watch out for her. Ibang klaseng Sue talaga ang mapapanood n’yo sa movie,” kuwento pa niya sa amin.

Mukhang gustung-gusto naman ni Javi ang kanyang ginagawa ngayon kahit noong una ay nagdadalawang-isip siya pero sabi nga niya, pangangatawanan na niya ang pagiging artista.

Bakit action film ang naisip niyang maging launching movie? “Kasi nawawala na sa trend ang mga action films. I want to bring it back and ibang atake na ang action films natin ngayon. Nakaka-proud ang movie because kasama ko rito ang magagaling nating artista sa industry, hopefully, yung international market, makuha na rin natin through this film.”
Ang tinutukoy ni Javi ay ang mga award-winning actors na sina Tonton Gutierrez, Juan Rodrigo at Christopher de Leon.

Hindi rin nakaiwas ang dalawang bida na sina Javi at Sue sa tanong namin at ng iba pang entertainment reporter pagdating sa kanilang intimate scenes sa movie.

“Okey naman. Masaya! Ha-hahaha! ” bungisngis ni Sue kaya natawa na rin si Javi.
“We’re professional naman when it comes to love scenes. Actually, nu’ng unang kinunan (intimate scenes) maraming tao, hanggang sa sinabi ni Direk Richard (Somes) na ‘O, bawas tayo ng tao,’ yung kami na lang. Okey naman. I did take good care of Sue naman sa scene namin,” ani Javi.
Parehong single ngayon sina Javi at Sue at diretso nilang sinabi na posible namang may ma-develop na something special sa pagitan nila.

” Why not!” agad na sagot ni Sue sa tanong kung pwede bang manligaw sa kanya si Javi. Mukhang naka-move-on na nga ang Kapamilya actress sa break-up nila ni Joao Constancio ng Boyband PH.

Read more...