NAARESTO ang isang 43-anyos na babae na nagbibiyahe ng shabu mula sa Maynila sa pamamagitan ng pagtatago ng mga ito sa kanyang underwear, sa isinagawang buy-bust operation sa Butuan City, Linggo ng hapon, ayon sa pulisya.
Kinilala ang nahuli na si Edralin Ello alyas Aling, 43, residente ng Malate, Maynila, na tubong Esperanza, Agusan del Sur, ayon kay Col. Albert Magno, Butuan City police director.
“[She] has been repeatedly transporting shabu from Manila to Caraga by hiding sachets of illegal drugs in her undergarments,” sabi ni Magno.
“By doing so, she has been able to escape security measures at airports.”
Naaresto si Ello ng mga miyembro ng city police sa Ello sa Purok 3, Brgy. Obrero, ganap na alas-2 ng hapon matapos magbenta ng shabu at tumanggap ng P23,000 marked money mula sa isang poseur-buyer.
Nakumpiska mula sa suspek ang mga sachet ng shabu na tumitimbang ng 15 gramo
ng shabu at P177,000 halaga ng shabu, marked money, drug paraphernalia, isang cellphone, P1,500 cash, at identification cards.