‘Stove League’ ni Nam Goong Min ipapalit sa Vagabond ni Seung Gi

NAM GOONG MIN

Mapapanood na rin ngayong November ang sports themed drama ng sikat na Korean actor na si Nam Goong Min, ang Stove League kung saan makakasama niya si Park Eun Bin.

Bagong baseball general manager ang karakter ng bidang si Baek Seung Soo (Goong Min) habang si Lee Se Young (Eun Bin) ang operations manager ng team.

Professional baseball team ang mina-manage ng dalawa na laging nasa bottom ng rank kada league. Sa kabila nito, hindi pa rin sumusuko si Se Young at patuloy na nagtitiwala sa kanilang team.

Ipalalabas ito sa SBS na naka-schedule palitan ang ongoing drama na Vagabond ni Lee Seung Gi.

Bumida si Goong Min sa Doctor Prisoner (2019); The Undateables (2018); Falsify (2017); Good Manager (2017) Remember: War of the Sun (2015) at Beautiful Gong Shim (2016).

Si Eun Bin naman ay napanood sa Age of Youth (2016) at Judge vs Judge (2017).

Read more...