Angelica awang-awa sa mga pasaherong naiipit sa trapik

ANGELICA PANGANIBAN

Marami kaming kaibigan na nakabili ng ticket para sa Hueniverse Music Festival nitong Sabado, Set. 28 na ginanap sa Filinvest City Events Ground, Muntinlupa pero hindi nakapanood dahil sa sobrang trapik sa SLEX.

Kuwento ng isa naming kaibigan, “Hindi na kami tumuloy, three hours na kami sa Pasay, gutom at nababanyo na kami. At anong oras pa kami makakarating? Umalis kami ng bahay 1 p.m. para sakto sana sa 2 p.m. start pero 4 p.m. na nasa Pasay pa lang kami, ano ‘to ubusan ng gas?”

Balita namin ay marami pa rin namang nakapanood sa nasabing music festival na first venture ng Bright Bulb Production nina Angelica Panganiban, Sam Milby at John Prats.

Kaya namin naikuwento ito ay dahil isa rin mismo sa producer ng Hueniverse Music Festival ay umaangal na rin sa matinding traffic, si Angelica nga.

Walang binanggit kung nasaan ang aktres pero base na rin sa mga balita na sobrang trapik sa SLEX ay in-assume na naming ang music fest siguro ang tinutukoy ni Angelica.

Ang unang post niya sa kanyang Twitter account, “Question… tatanggapin na lang ba natin ang sistema ng traffic ng bansa natin?”

Sinundan pa ito ng, “Tapos, walang care yung government? Naglalakad lang ba sila papuntang work? Or nakakalipad sila nang hindi natin alam?”

Tila hindi nagustuhan ng aktres-producer ang komento ng isang netizen na, “Wala namang tayong magagawa.”

Kaya sinagot niya ito ng, “Tao tayo. Mamamayan tayo. Bakit walang choice? Bakit mo tatanggapin ang hindi tama? In this life time hindi tayo aalma sa traffic?”

Ang dahilan kung bakit grabe ang traffic sa SLEX na aabutin pa yata ng isang taon at kalahati (hopefully) ay dahil sa construction ng anim na kilometrong extension ng Skyway. Talagang nagdulot ito ng mabigat na trapiko mula Sta. Rosa, Laguna hanggang Alabang sa Muntinlupa.

Sabi nga ng netizen kay Angelica, “Swerte ka pa mamsh kasi nakakotse ka. Kami madalas standing sa bus 3 hours minimum. Haayst.”

Sagot naman ng aktres sa kanya, “I feel you (sad face emoji).”

Read more...