MULING itinalaga ang kontrobersyal na si Mocha Uson sa gobyerno, bilang Deputy Administrator ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA), na nasa ilalim ng Department of Labor and Employment (DOLE).
Kabilang si Uson sa listahan ng mga presidential appointees na itinalaga mula September 25 hanggang September 26, 2019 bagamat inilabas ang listahan ngayong Lunes.
Pinirmahan ang appointment ni Uson, na Esther Margaux Uson ang totoong pangalan, noong Setyembre 23, 2019.
May ranggong Deputy Executive Director V si Uson.
Matatandaang nagbitiw si Uson bilang Assistant Secretary ng Presidential Communications Operations Office (PCOO) matapos namang ang panawagan sa kanya na bumaba sa katungkulan dahil sa sunod-sunod na kontrobersiyang kinasasangkutan.
Tumakbo siya sa partylist na AA Kasosyo, bagamat natalo.