Ysabel Ortega balak sundan ang yapak ng amang si Lito Lapid sa politika

YSABEL ORTEGA AT LITO LAPID

MUKHANG may plano ring sundan ng Kapuso youngstar na si Ysabel Ortega ang yapak ng kanyang amang si Sen. Lito Lapid.

Mapapanood ang dalaga sa GMA Telebabad series na The Gift na pinagbibidahan ng Asia’s Multimedia Star na si Alden Richards. Ito ang kauna-unahan niyang project sa Kapuso Network matapos magpaalam sa ABS-CBN.

Ayon kay Ysabel, hindi naman imposibleng pasukin din niya ang mundo ng politika like his father. Pero aniya, hindi pa naman niya ito iniisip dahil alam niyang marami pa siyang dapat gawin at matutunan.

Sa ngayon, hati ang panahon ng bagong Kapuso star sa pagiging artista at estudyante. She’s currently taking up Bachelor of Arts in Political Economy at the University of Asia and Pacific.

“Malapit na po akong maka-graduate. Two more years. College na po ako, but we’re getting there and getting by. I started sa showbiz when I was 16, pero just like my mom, pinagsasabay ko rin po ‘yung pag-aaral ko,” lahad ni Ysabel.

Kaya sa tanong kung gusto niya ring maging public servant tulad ng tatay niya, “Well ‘di naman po anytime soon. Kasi po my focus now is pag-arte. Pero right now I just want to learn more about it.

“Kasi ‘yun din po ‘yung sinabi ko sa kanila na I want to learn something aside from the media industry para I have a chance to learn something else,” pahayag pa ni Ysabel.

Magaling magbalanse ng oras ang dalaga kaya nama-maximize niya ang kanyang schedule, “Kasi for me, work isn’t every day. So when I don’t have work I try to go to school and attend class. Like later, pupunta pa ako ng class.

“So to me po, it’s just time management lang and making sure your professors understand your situation kasi siyempre as a working student may konting understanding naman po iyon sa kanila.

“’Yung sa akin naman po as long as I tried to study and make an effort, kaya naman po,” pahayag ni Ysabel.

Maganda rin ang role ni Ysabel sa Kapuso GMA Telebabad series na The Gift bilang si Sabina. Kapatid siya rito ni Alden at excited na siya sa mga eksena nila ng Pambansang Bae na matagal na raw niyang idol kahit noong nasa kabilang network pa siya.

Napapanood pa rin ang The Gift mula Lunes hanggang Biyernes after Beautiful Justice.

 

Read more...