Horoscope July 27, 2013

Para sa may kaarawan ngayon: Isipin muna ang kapakanan ng sariling pamilya bago maging mabait sa iba. Sa pinansyal, tuloy ang dating ng magandang suwerte, at hindi na ito mauubos pa, basta’t matuto ka lang magtipid at mag mahal sa pera. Mapalad ang 3, 12, 27, 31, 37 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Om-Agiel-Om.” Green at peach ang buenas.
Aries – (Marso 21-April 19)—Walang mangyayari sa buhay kung maghihintay lang ng suwerte! Simulan na ang negosyong may kaugnayan sa tindahan. Sa pag-ibig, hanapin ang kasuyong may birth date na 5, 14 o kaya’y 23 – siya ang magbibigay sayo ng pagyaman. Mapalad ang 8, 12, 15, 28, 33, at 43. Mahiwaga mong mantra: “Om-Jaya-Ritum.” Red at blue ang buenas.
Taurus – (April 20-May 20)—Hangga’t hindi ka natutuksong gumawa ng kaimoralan patuloy na lalago ang kabuhayan. Sa pag-ibig, may tuksong darating buhat sa isang Libra, iwasan mo siya, bago ka mapahamak. Mapalad ang 6, 15, 27, 34, 43 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Shiri-Om.” Pink at beige ang buenas.
Gemini – (May 21-June 21)—Sa pinansiyal, isang Sagittarius ang magdadala ng bagong pagkakakitaan. Sa pag-ibig, isang Libra ang kikiliti sa iyong damdamin, bago at nakakikilig na relasyon ang mabubuo. Mapalad ang 5, 14, 15, 23, 42, at 48. Mahiwaga mong mantra: “Kesar-Khangaya-Kapor-Om.” White at silver ang buenas.
Cancer – (June 22- July 22)— Muling patatagin ang gumegewang na relasyon! Sa pag-ibig, balikan ang mga lugar na una nyong “pinag-date(tan)”. Sa pinansiyal, higit na mas mahalaga sa salapi ang isang tunay, wagas at relasyon. Mapalad ang 5, 16, 25, 32, 38 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Mira-Miraculum.” Old rose at green ang buenas.
Leo – (July 23 – August 22)—Hindi mauubos ang salapi, matuto kang mamigay! Sa pag-ibig, mamayang gabi, uwian ang kasuyo ng pagkaing hugis bilog na kapag hiniwa ay nagiging tatsulok. Sa pinansyal, habang namimigay, tuloy ang pasok ng maraming pera. Mapalad ang 5, 17, 24, 31, 39 at 46. Mahiga mong mantra: “Om-Raga-Om-Kastha.” Yellow at gray ang buenas.
Virgo – (August 23 – September 22)— Bilis ang susi upang yumaman! Sa pinansyal, wag kang kukupad-kupad, upang hindi mapurnada ang iyong balak.  Sa pag-ibig, positibo ang magaganap kung magtatapat ka agad ng pag-ibig sa iyong minamahal. Mapalad ang 5, 17, 28, 34, 41 at 44. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Agiel-Yophiel-Om”. Lilac at gold ang buenas.
Libra – (September 23-October 23)—Makunteto sa kasalukuyang kalagayan! Wag mag-hangad ng kung ano-anong bagay. Alalahaning mas masaya ang buhay ng simpleng pamilya, wag ng hangaring magpayaman ng ubog ng yaman. Sa pag-ibig, pagtiyagaan ang kasuyong Aquarius. Mapalad ang 6, 9, 18,  31, 40 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Karaam-Om”. Green at maroon ang buenas.
Scorpio – (October 24 – November 21)— ‘Wag magpakalulong sa ligayang pang katawan, ang lahat ng iyan ay panandalian lang. Mag-invest ng time sa mga bagay na hindi lumilipas – love at charity.  Himukin ang kasuyo na magpayaman upang mas marami kayong matulungan. Mapalad ang 5, 7, 27, 36, 40 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Karaam-Om.” Gray at lilac ang buenas.
Sagittarius – (November 22 – December 21)—Kahit anong pilit ang gawin sayong aya ng isang kasama upang maglibang, wag kang sasama, tuturuan ka lang nyang mag-lustay ng salapi. Tandaang ang pagmamahal sa salapi ay may katapat na ligaya pagdating ng araw. Mapalad ang 3, 13, 30, 33, 40 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Malka-Tetra-Om.” Pink at beige ang buenas.
Capricorn – (December 22 – January 19)— ‘Wag masyadong prangka! Upang kumita ng malaking halaga maging sensitibo sa damdamin ng iba.  Sa pag-ibig, mahuhulog na naman ang puso mo sa maling nilalang. Mapalad ang 4, 8, 17, 25, 34, at 48. Mahiwaga mong mantra: “Om-Nahatna-Om-Mandala”. Blue at green ang buenas.
Aquarius – (January 20 – February 18)—Sa negosyo, hindi ka dapat pang hinaan ng loob, basta’t magtiwala sa sarili kikita ka ng malaking halaga. Sa pag-ibig, may isang Libra na lihim na nagkaka-gusto sa iyo, sa sandaling siya ay nagpakilala, sunggaban mo agad – ka-compatible mo siya! Mapalad ang 4, 11, 28, 32, 43 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Ghaya-Tri-Aum.” Lilac at white ang buenas.
Pisces – (February 19 – March 20)—Bilog pa rin ang buwan, kaya sa araw na ito magiging mabunga ang bawat kilos! Sa pinansyal, dagdag na salapi ang matatanggap. Sa pag-ibig, isang Scorpio ang kikiliti ng iyong puso.  Mapalad ang 2, 16, 24, 31, 39 at 42. Mahiwaga mong mantra: “Kubera-Mayabeeja-Om”. Red at green ang buenas.

Read more...