PAKANTANG sinagot ni Piolo Pascual ang tanong sa posibilidad na magkaroon ng part two ang relasyon nila ni KC Concepcion.
Nakausap namin si Papa P sa media launch ng “SunPIOLOgy Xone” na ginanap sa Versailes Tent sa Novotel Hotel recently. “Posible,” ngiting sabi niya.
Single na kasi ulit si KC ngayon sabi namin sa kanya, “Ako rin single. Ha-hahaha!”
May kasabihan nga, love is lovelier the second time around lalo pa’t balitang okey naman na sila ni KC as friends, “Oh, yeah. We’re good. KC and I are good. I’ve not seen her for a while and I hope she’s always okay. I don’t necessarily stalk her on Instagram. But, I see what happens, of course, based doon sa mga lumalabas. So, you know, I’m happy for her.”
Ang SunPIOLOgy ay isang sporting event that encourages Pinoy to live healthier lives. For this year, ang theme ng event ay “SunPIOLOgy Xone” featuring the Sun Life Virtual Run, Sun Life Cycle PH and Sun Life Resolution Run.
Magaganap ang “SunPIOLOGY Xone” on Nov. 23, 2019. Pero ang registration is ongoing na at sunlife.cycleph.com hanggang Nov. 22.
So, 11 years nang ginagawa ni Piolo ang mahalagang event na ‘to for SunLife and yet, tila ‘di kumukupas ang lakas niya. May pinaghuhugutan kasi si Papa P kaya niya ginagawa ‘to.
“Ah yes.” agree niya. “The mere thought of waking up everyday knowing that you have something to do, something worthwhile to do, like this event. Getting to talk to people, getting to share your life with other people, and knowing na everyday is a new chance for you to better your life can be, you know, inspire a lot of people.
“Maximize the potential of it with everything that I have. So, para sa akin, kung ano man ang ginagawa ko I’ll make sure it’s best foot forward,” lahad pa niya.
And all these years, walang nabalita na naisama niya sa event ang kanyang girlfriend. Siyempre mas nakaka-inspire tumakbo, mag-bike, mag-swimming na may partner in life.
“You know, honestly, I won’t deny the fact that there are days that I feel sad or, parang, ‘But parang, okey ka lang ba? Mag-isa ka lang?’ But now, I get to enjoy my quiet moments because I get to really reflect about my life better. And if and when it comes, I know it’s gonna ba really exciting at kapag nangyari ‘yun, I’ll share about it,” promise niya.
Hindi naman daw nape-pressure si Piolo kapag tinatanong about his lovelife. Mas nape-pressure siya sa kanyang edad, “Just imagine if I had a baby at 50, ‘di ba? Salamat. Salamat talaga.
“I don’t know what’s gonna happen, pero, I’m not ready to be a family man. I feel young. I feel still have a lot of offer to do. So, yeah. The pressure is not felt,” dagdag niya.
Inamin ni Piolo na hindi pa talaga siya ready to be a family man, “May anak ako, e. ‘Pag nauna na siya siguro, and when he leaves.”
Oras daw ang kulang sa kanya to be a family man. At gusto pa niyang mag-travel around the world, “I love to travel. That’s my only spurge. And, I still wanna be able to cover more countries. So, that’s why I guess, I don’t want to entertain any thought of being in a romantic relationship.”
Nangunguna sa top three destinations ni Papa P ang El Nido, Palawan, next ang Italy and South America. Galing lang siya sa Florence, Italy and next year sa South America at New Zealand naman niya balak pumunta.
q q q
Naiyak si San Jose del Monte Cong. Florida “Ate Rida” Robes habang ipinagmamalaki ang talent ng millennial artists sa kanilang bayan.
“Ang laki ng hirap ko, ‘no?! Ha- hahaha! Oo, kung dadalhin ako sa agency, they’ll gonna pay me hundreds of thousand. Pero this is for free, because I love San Josenos. Walang kaplastikan ‘yun. Talagang, I made these things possible,” bulalas ni Cong. Robes.
She did all the branding without pay sa konsepto ng Tanglawan Festival, sa The Rising City hanggang sa painting exhibit sa SM San Jose del Monte.
Happy siyempre si Cong. Robes at msister niya na si San Jose del Monte Mayor Arthur Robes na nakikilala na ang kanilang bayan.
Naging print ad model si Cong. Robes noon para sa isang sikat na fastfood chain pati na ng SM malls.
Nag-artista rin siya saglit at na-kagawa ng pelikula sa Regal Films noon.
“Babalik sa showbiz? Matanda na ang lola mo!” biro ni Cong. Robes.