Angel payag magtrabaho nang libre kasama ang ‘TGD’ team

ANGEL LOCSIN

Labis-labis ang pasasalamat ni Angel Locsin sa Dreamscape Entertainment lalo na sa boss nilang si Deo Endrinal for trusting her with a project na grabe sa laki, ang The General’s Daughter.

“Ito po ang unang teleserye ko, unang soap ko sa Dreamscape. Inalagaan po talaga nila ako nang husto, binigyan nila ako ng kasama na de-kalibre, mababait. Kumbaga, ang galing nilang maghanap ng tao kung sino ang magsa-swak kahit sa staff. Ito ang first experience ko sa Dreamscape ay sobrang memorable. Isa po ito sa mga minahal kong shows. Iilan lang po iyon,” she said.

Nagbiro pa siyang gagawin niya nang libre ang isang project kung makakasama niya ang mga co-stars niya sa The General’s Daughter.

“Kung mayroon pa pong pagkakataon na pagsama-samahin kami dito para magkatrabaho, gagawin ko po for free. Ganoon ko po sila kamahal at inirerespeto,” she said.

“For one week lang po, ha,” she added. “Ganoon ko po sila kamahal.”

Ang soap niya na magtatapos this week ang talagang humahataw at hindi nagpapatalo sa rating ng FPJ’s Ang Probinsyano ni Coco Martin.

When asked to react, she said, “Una sa lahat, lahat kami dito I think lahat naman tayo fan ng Ang Probinsyano. Walang makakatalo sa apat na taon, sa mahabang itinakbo nila, na namamayagpag ang ratings nila.

“Kung ano ang nagawa namin, may influence ang Probinsyano so utang din namin ito sa kanila. Ang sa amin, teamwork lang. Parehong Dreamscape ang Probinsyano, at General’s Daughter,” she added.

Later, she expressed her gratitude kay Deo, saying, “Gusto kong magpasalamat sa Dreamscape, especially kay Sir De (Endrinal) for trusting me. Hindi ko alam kung…Nu’ng time na ‘yun, parang hindi naman ako dapat magtatrabaho pa, eh, pero nu’ng nakausap ko si Sir Deo, pinagkatiwalaan niya ako. Siya lang ang nagtiwala sa akin na gumawa ng action kasi lahat takot, eh.”

Read more...