Malditang singer-actress isinusuka ng mga kamag-anak

BUMIDA nu’n sa isang serye ang young singer-actress na palaging negang-nega ang dating.

Kabisado na ng mga nakatrabaho niya nu’n ang kanyang ugali na mas lumulutang ngayon.

Kahit nu’n ay negang-nega na siya, may kakaibang attitude kasi ang young singer-actress na tanging mga kadugo lang niya ang nakaiintindi, maraming naiinis sa babaeng ito.

Kuwento ng isang source, “Nu’n pa naman talaga, e, nega na ang babaeng ‘yun, pero ngayon lang mas naha-highlight ang pagiging nega niya dahil nasa mas malaking network na siya.

“Tawanan lang nang tawanan ngayon ang mga dati niyang katrabaho, wala na nga kasi siyang maitatago sa mga ‘yun pagdating sa pagiging isnabera niya, siyang-siya talaga ‘yun!” unang chika ng aming source,

Kayang-kayang ilarawan ng mga dating katrabaho ng female personality ang kanyang drama kapag dumarating siya sa set. Para siyang bulag na walang nakikita.

“Naku, mabuti pa nga ang bulag at may naaaninag pa, pero ang nagbubulag-bulagan, e, wala! ‘Yun siya!

Pagbaba niya ng van, e, diretso na siya sa studio!

“Wala siyang pakialam sa mga nadadaanan niya, hindi siya bumabati, palagi siyang nakasimangot, maldita na siya kahit nu’n pa!

“Feeling na siya kahit nu’n pa, pakiramdam niya talaga, e, made na siya at meron na siyang maipagmamalaki! Para bang meron na talaga siyang karapatang magmaldita kahit pa wala naman!

“Kaya ‘yung pagdedenay niya kapag lumalabas ang mga kuwento ng kamalditahan niya, e, luma na! Aling Charing, bulok na ang saging!” natatawang kuwento uli ng aming impormante.

Pero ang nakagugulat ay ang mga istoryang lumalabas na kahit pala ang kanilang mga kamag-anak mismo ay nasusupladahan sa young singer-actress na ito.

Pagtatapos ng aming source, “Siya na lang yata at ang boyfriend niya ang nagkakagusto sa kanya, e! Kasi, kahit ang mga relatives nila, e, inirereklamo rin ang kasupladahan niya!

“Hindi na ‘yun mababago, ‘yun na talaga siya, second skin na niya ang pagiging maldita kahit wala pa naman siyang karapatan.

“Kapayat-payat na babae, pero kamaldi-maldita! KSP!” pagtatapos ng aming impormante.

Naku naman, Bradly Guevarra, Tita Nene Ulanday, Jon at Ching Bautista Silverio, ipagtatanong n’yo pa ba kung sino ang payatolang girl na itey?

Read more...