Maricel ‘bolang-bola’ raw sa ABS-CBN Ball

MARICEL SORIANO

Postscript ito ng maningning na ABS-CBN Ball kamakailan.

Grabe kung makapanlait ang ilan sa mga nakapanood ng footage showing how Kapamilya stars proudly displayed their Filipiniana-themed outfits. Ikinonek kasi ng mga ito ang event sa itsura halimbawa ni Maricel Soriano.

Kung hindi nga raw naka-chargen (o superimposed) ang pangalan nito’y hindi nila mahuhulaan to whom the eye-popping gown belonged.

Porke ba “ball” ang pupuntahang okasyon ay “ball” na rin daw ba dapat ang arrive ni Maricel? “She was consistently ‘ball-ish’,” opinyon ng isang mahaderang basher.

We had to see for ourselves how Maricel looked that evening. May kalusugan nga ang aktres whose gown didn’t deserve a once-over kundi kung gaano siya namumusarga, both face and body.

Nasa disenyo ba ng kasuotan ang diperensiya? O, nasa ‘di gaanong paghahanda ng mismong nagsusuot considering na paligsahan ‘yon ng outfits and curves?

Read more...