Driver na mababang IQ, bulok na PUV bawal na?

NAGALIT nang sobra ang Pangulong Duterte sa napabalitang aksidente sa South Cotabato na nagbigay ito ng isang bulumbun ng utos sa mga tauhan nya tungkol sa kaligtasan sa lansangan.

Kabilang sa mga utos niya ay ang pagtatalaga ng maayos na antas ng IQ para sa mga kumukuha ng drivers license at ang pagtanggal sa mga bulok na sasakyan sa lansangan.

Sa isang pulong kung saan ipinatawag ng Pangulo sina DOTr Sec. Art Tugade, Senator Bong Go, Land Transportation Office (LTO) Chief Asec. Edgar Galvante, Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Chairman Martin Delgra III, DOTr Usec. for Road Transport and Infrastructure Mark de Leon, at mga opisyal ng Philippine National Police (PNP), iniutos nito na paigtingin agad-agad ang roadworthiness ng mga sasakyan, ayusin ang driver’s licensing requirements, muling isagawa ang periodic drug testing, at siguruhin ang financial capability ng mga operators para panatilihing safe and fit ang kanilang mga bus, jeep, trak at taxi.

Ayon sa Pangulo, dapat ay may kakayahang pinansiyal ang mga PUV operators para gawin ligtas ang kanilang mga sasakyan o magsara na sila ng negosyo.

Inatasan din ng Pangulo ang mga ahensiya na responsible sa lansangan at trapiko na ayusin at ipatupad ang mga batas kaligtasan sa kalye.

Kabilang na dito ang pag aalis ng mga lumang sasakyan sa kalye, mabilis na pagapatupad ng PUV Modernization Program, paglinis ng mga lansangan ng mga obstructions at pagaayos ng trapiko.

Sinabi ni Duterte na maglalabas siya ng isang Executive Order tungkol dito na agad ipapatupad.

Sa galaw na ito ng Malacanang, mukhang nawalan na ng saysay ang pinagaawayang emergency powers on traffic.

Sa EO na ilalabas, mukhang ilalatag na ang mga kailangan gawin upang maayos ang trapiko sa bansa ng hindi Hino hindi ng emergency powers sa kongeso.

Mukhang dahil sa isang aksidente sa South Cotabato, checkmate na ang stalling tactics ni Senator Grace Poe.

Para sa komento o suhestiyon, sumulat lamang sa irie.panganiban@gmail.com o sa inquirerbandera2016@gmail.com.

Read more...