No show ni Duterte sa turnover ceremony ng AFP ipinagtanggol ng Palasyo

RODRIGO DUTERTE

IPINAGTANGGOL ng Palasyo ang hindi pagsipot ni Pangulong Duterte sa Change of Command Ceremony ng Armed Forces of the Philippines (AFP) matapos magkasinat.

Sa isang briefing, sinabi ni Presidential Spokesperson at Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo na walang masama sa pagdalo ni Duterte sa kanyang kaarawan noong Martes ng gabi kung saan kumanta pa ang Pangulo.

“Bakit? Gusto mong sabihin kung mayroon kang sinat ay hindi ka na makakakanta? Eh kung nangyari iyong pagkanta bago sininat eh, ano ba namang problema doon?” giit ni Panelo.

Martes ng gabi ginanap ang party ni Panelo. Miyerkules ng hapon, hindi naman nakadalo si Duterte sa pagpapalit ng liderato ng AFP dahil sa sinat.

Alam ninyo, the President is a normal person kagaya nating lahat. Mayroong mga oras na masama ang pakiramdam natin, kung minsan masakit ang ulo natin, kung minsan sinisinat tayo. Nangyayari sa lahat ng tao iyan. You don’t have to be President to be like that,” dagdag pa ni Panelo.

Dinaluhan naman ni Duterte ang opisyal na iskedyul sa Paranaque City, Huwebes ng gabi.

“Kung nagkataon lang, walang dapat na ikabahala ang taumbayan. Eh nakita ninyo kahapon, ang lakas-lakas niya na naman,” sabi pa ni Duterte. 

Read more...