Tekla: Hay naku Lord, nakakakilabot!


SIGURADONG humahalakhak din sa sobrang kaligayahan ang nanay ng Kapuso TV host-comedian na si Super Tekla kung saan man ito naroroon.

Pumanaw na ang ina ni Tekla pero ayon sa komedyante, iniaalay niya rito ang kanyang launching movie na “Kiko en Lala” na ni sa panaginip ay hindi niya inasahang mangyayari.

Showing na ngayon ang “Kiko en Lala” at napanood na namin ito sa ginanap na premiere night last Tuesday sa SM Megamall cinema 2 na dinaluhan siyempre ng cast sa pangunguna ni Tekla at ng leading man niyang si Derrick Monasterio at leading lady na si Kim Domingo.

In fairness, sure kami na proud na proud ang nanay ni Tekla sa bonggang blessing na tinanggap ng kanyang anak. Ayon sa komedyante, sayang nga lang at hindi na nito inabot ang tagumpay na tinatamasa niya ngayon.

Naalala niya noong bata pa siya, talagang nilalait at binu-bully siya dahil sa kanyang itsura niya, at ang laging sinasabi ng nanay niya, “Hayaan mo lang, anak. Ang ibig sabihin, natutuwa lamang sila sa ‘yo.”

“Sinasabi ko nga, ‘Hay naku, Lord, thank you kasi binigyan Mo ako ng ganito.’ Nakakakilabot, ang daming magagaling, ang daming deserving na puwedeng ilagay sa katayuan ko pero ako ang napili mo,” pahayag pa ni Super Tekla.

Wish din ni Tekla, mapanood ng tatay niya ang kanyang launching movie. Nais nga niyang isama ito sa Manila at iwan muna ang bukid nila sa Cotabato, pero ayaw daw nito, Gusto ko siyang dalhin dito sa Maynila. Dinala ko siya one time sa General Santos City, pero hindi siya hiyang.

“Ngayon, nasa bukid siya. Gusto ko siyang iluwas, pero ayaw niya. Feeling niya, mamamatay siya rito sa Maynila. Namamanas siya kapag dinadala ko sa city.

“Kaya kapag umuuwi ako, siya talaga ang priority ko. Pinupuntahan ko agad siya at ibinibigay ko sa kanya ang lahat ng kailangan niya. Hindi ko puwedeng palampasin ‘yan, naka-monitor parati ako sa kalusugan niya,” maluha-luhang chika ng Kapuso comedian.

q q q

Going back to “Kiko en Lala”, napatawa naman nang bonggang-bongga ni Tekla at ng iba pa niyang kasama sa pelikula ang mga sumugod sa premiere night.

Bentang-benta ang mga kalokahan at batuhan ng punchlines ng kambal-tukong karakter ni Tekla na sina Kiko at Lala. Kering-keri niya ang gumanap bilang astig na lalaki at maharot at talakerang girlalu.

Tawa rin nang tawa at diring-diring ang mga manonood sa lambingan at landian nina Tekla at Derrick pati na sa magdyowa moments nina Tekla at Kim.

Sure na sure kami na magpipiyesta ang mga beki sa katawan ni Derrick sa movie, halos lahat yata ng eksena niya ay wala siyang damit kaya tilian lagi ang mga fans niya. And of course, hindi rin nagpahuli si Kim na umaapaw ang kaseksihan at kakinisan sa kanyang mga eksena.

Bongga rin ang mga hiritan nina Divine Tetay at Jo Berry na gumaganap na mga kontrabida sa kuwento. Laugh trip ang audience kapag “sinasaniban” na siya ni Kris Aquino.

At may twist pala ang kuwento, napaghiwalay nga ang katawan nina Kiko at Lala pero may isa sa kanila ang kailangang mamatay at sumama sa Tagasundo (Ai Ai delas Alas). Kaya yan ang dapat n’yong alamin, sino sa kambal ang magsasakripisyo para mabuhay ang isa sa kanila.

Ang “Kiko en Lala” ay sa direksyon ni Adolf Alix, Jr., under Backyard Productions at showing na ngayon sa mga sinehan nationwide.

Read more...