Pagnanakaw sa bahay ni Ai Ai inside job

AI AI DELAS ALAS

FOLLOW-THROUGH ito ng aming item tungkol kay Ai Ai delas Alas na nailathala nitong Lunes (Sept. 23).

Due to spatial constraints ay hindi na namin nabuntutan ‘yon tungkol sa nangyaring panloloob sa kanyang tahanan the first week of September.

Sala-salabat na kuwento pa rin ito mula sa pag-aalay ng misa ni Ai Ai in celebration of Mama Mary’s birthday noong Sept. 9.

Antimano’y tiniyak na naming inside job ang insidente ng pagnanakaw sa bahay nina Ai Ai at Gerald Sibayan na ang suspek ay pamilyar sa kanila. Present naman kasi ang mga indikasyon to prove such, tulad ng pagkakaroon ng access sa mismong kuwarto ng mag-asawa.

Ang tinangay ng salarin na either kamag-anak or mismong kasambahay na pinaalis nila included Ai Ai’s Louis Vuitton bag at isang signature wallet sa loob nito. No other stuff were stolen.

Read more...