MNL drug queen nakalabas na ng PH

SHABU BUY BUST

KINUMPIRMA ng Bureau of Immigration na nakalabas na ng bansa ang tinaguriang “drug queen” ng Maynila.

Base sa travel records ng ahensya, sinabi ni Immigration spokesperson Dana Sandoval na kamakailan lamang nakaalis ng bansa si Guia Gomez Castro.

Pinayagan aniyang makaalis si Castro dahil wala naman itong derogatory records.

Matatandaang sinabi ng National Capital Region Police Office na ang “drug queen” ay nagkaroon ng posisyon sa barangay sa Maynila.

Mayroon din umano itong mga protektor na pulis.

Si Manila Police District Chief Brig. Gen. Vicente Danao naman ang nagpangalan sa nasabing “drug queen.”

 

Read more...