Hacker ng socmed account ni Kris Bernal humihingi ng P35K

KRIS BERNAL

Another Kris, micro starlet of pinetree proportion, Kris Bernal, made quite a scene on her YouTube account dahil na-hack ang kanyang social media accounts.

Crying, she narrated that a group of hackers from Kenya and Turkey hacked her social media accounts.

“Tinatawagan nya ako. Sinendan nya pa ko ng whatsapp na I have to pay like more than $700 to get back my account,” say niya in between tears.

Mix ang reaction ng netizens. Some thought she was making a gimik, while others sympathize with her.

“Kunwari lang yan para pag usapan. Tignan nyo in few days, babalik yang account na yan tas kunwari magpapasalamat. I cry for this world.”

“Mas mahalaga pa pala ito kesa sa issue ng polio, dengue, measles, Asian swine flu, presyo ng palay, unemployment at kung ano-ano pa. pwede namang gumawa na lang ng panibago.”

“Lahat ng nilalang may kanya kanyang isyu. Di man ito mahalaga sa iba ngunit sa kanya ito ay mahalaga. Di umiikot ang mundo sa iisang sektor lamang. Kaya ako sa iyo hayaan sila. They have their own problems to resolve. So ikaw naman na sa tingin mo mahalaga ang sektor na binanggit mo eh ikaw na rin ang nagsabi na mas mahalaga sila so ang dapat mo gawin unahin sila at tulungan mo at iset aside problema mo dahil mas mahalaga ang problema nila kaysa sa problema mo.”

 

Read more...