INILAYO ni direk Jason Paul Laxamana si Tony Labrusca sa mapangahas niyang performance sa sex-drama na “Glorious” sa bagong Regal movie na “Ang Henerasyong Sumuko sa Love.”
“Nag-meet kami ni Tony bago namin simulan ang pelikula. Siyempre dahil din yun sa Glorious! Ha-hahaha!
“Pero sabi ko, I don’t want people to see you as a sex object. I want people to see that you’re more than that.
Makikita ninyo sa pelikula. Basta maganda. Ayokong mag-spoiler,” saad ni direk Jason sa mediacon ng “Ang Henerasyong Sumuko sa Love”.
Pero pagdating kay Jerome Ponce kung saan gaganap naman itong bading, kinailangan pa siyang “ibudul-budol” ni Direk Jason para tanggapin ang proyekto. Nagdalawang-isip daw kasi ang aktor dahil natatakot ito.
Para naman kay Tony, nasa bucket list niya talaga ang makagawa ng barkada movie pero mananatiling malaking factor pa rin sa career niya ang “Glorious” kaya naman maingay na maingay ang pangalan niya ngayon.
Kasama rin nina Jerome at Tony sa pelikula sina Albie Casiño, Myrtle Sarossa at Jane Oineza na opisyal nang Regal Baby dahil pumirma na siya ng kontrata last Monday.