ISA sa laging tinatalakay sa programa nina Atty. Claire Castro at Mare Yao sa DZMM Teleradyo na “Usapang de Campanilla” ay tungkol sa pagbabayad ng amilyar.
Personal experience ang ikinukuwento ni Atty. Claire sa kanilang listeners tagapakinig lalo na nu’ng huli siyang nagbayad ng amilyar para sa isa nilang property.
“Natutunan ko nu’ng nagle-lecture ako ng real estate, I came to know na kapag ikaw pala ay nagbayad ng amilyar kahit isang beses, ‘yung real property tax sa assessor’s office tapos hindi ka na nagbayad for 20 years tapos sinisingil ka na, ang dapat mo lang palang bayaran ay hindi ‘yung buong 20 years only five years lang plus the penalties.
“Ang five years counting from the day na siningil, five years going backward, so pabalik ng five years. Pero ‘yung the rest of the years na hindi mo naibayad ay hindi masisingil kasi forfeited na ‘yun kasi dapat ‘yung mga assessor’s office, ‘yung munisipyo dapat pag nag claim na sila noon pa.
“So, kapag sumobra ng five years ‘yung hindi mo pagbabayad sa ika-5th year na supposed to be dapat bayad mo.
“Hindi ko alam ‘to, nagbayad ako ng 20 years, so now that I know ini-impart namin ito sa mga listeners, televiewers and ibang nakarinig nito, they just went to the assessor’s office and sabi nila, ‘sabi ni Atty. Claire ganito nasa government code under article 271 and 273 na 5 years lang babayaran namin kasi ito lang and they (assessor’s) agreed.
“So, ‘yung mga ganu’n sitwasyon sometimes ina-advise namin na pumunta na lang sa barangay baka doon magkasundo na sila at huwag nang paratingin sa court. And then when they have compromise agreement natatapos ‘yung kaso nila. Kaya marami pong natutulungan,” kuwento ng abogada.
At kapag ang payo ni Atty. Claire sa mga nakikinig sa kanya ay maganda ang resulta ay tumatawag ulit at nagpapasalamat, “Nakakataba po ng puso kapag muling tatawag para magpasalamat dahil natulungan namin sila sa pamamagitan ng Usapang de Campanilla.
“Mas fulfilling po talaga kapag nakakatulong kami. Hindi po nababayaran ng pera yung fullfiling sa puso lalo na kung gusto mong makatulong talaga,” aniya pa.
***
Nagbigay naman ng sariling opinyon si Mare Yao tungkol sa mainit na issue ng SOGIE bill dahil nagsimula ito sa kung sino ba ang puwedeng gumamit ng ladies room. Kung para lang ba ito sa mga babaeng tunay at hindi kasama ang mga nagsusuot babae o transgender.
Ang punto niya, “Sa akin ‘yung CR (comfort room), it should not be an issue, parang sabihin na lang natin na may special lane ang senior citizens, may special lane ang PWD.
“Siguro mas gusto kong bigyan ng pansin ang mga issue sa LGBT, ‘yung mga properties ng nagsasama ang dalawang sex, ‘yung mga naipundar nila.
“’Yun siguro ang mas magandang pag-usapan kasi may mga pagkakataong naririnig natin sa batas na dehado sila kasi hindi sila kasal. I’m a Christian so unfortunately I’m in favor sa same sex marriage but I respect whatever they decide to do, just like the divorce bill, that’s your life, that’s your problem and I’m not meddle with your life.
“I cannot judge you because the Lord doesn’t judge you who am I to judge you. So, I think those are the more serious things I think that LGBT group should be address and look into more than the CR,” aniya pa.
Ayon kay Atty. Claire ay puwede naman daw paghatian equally ang mga property ng same sex couples kung sakaling may mangyari sa future, “Actually kung wala tayong batas dito, mayroon tayong puwedeng gawing batas na applicable sa ganitong sitwasyon.
“Una, kapag bumili sila ng property, they can register it in their names, so ang tawag diyan, co-ownership. So, pag naghatian ‘yan, wala naman kayong specific na 1/3 o 2/3, definitely half ‘yan. At sa last will, puwede mong ilagay ‘yung kapartner kung talagang siya ang gusto mong magmana, puwede ‘yun,” paliwanag ng abogada.
Tinanong namin kung pwede bang ilagay sa insurance bilang beneficiary ang hindi mo kadugo, “Yes puwede. Actually ang hindi puwedeng gawing beneficiary ay ang mistress.”
Ang dami naming natutunan kina Atty. Claire at Mare sa ginanap na presscon ng DZMM anchors kasama sina Bro. Jun Banaag ng “Dr. Love Radio Show” at Dra. Bles Salvador ng Dra. Bless at Ur Serbis.