Benepisyo mula sa beteranong magulang

DEAR Aksyon Line,
Good day po!
Ako po si Flocerfina Gadaingan Imperial, 74 years old, nakatira po ngayon sa Purok Canlambong, Lower Punong Bato, Leyte.
Pasalamat ko po sa pirasong papel na ibinalot sa tuyo sa merkado na may Aksyon Line at address ninyo.
Sana maintindihan po ninyo ang Tagalog ko.
Ang problema ko po ay ganito: Ang tatay ko po ay isang sundalong beterano at isang USAFE at nanay ko ay isa ring veteran at naka-assign sa medical mission. Sila ay pareho nang patay.
Ang tanong ko po: Mayroon po ba
kaming matatanggap as dependent children gaya ng aking narinig sa radio?
Hindi ko po alam kung ano ang gagawin ko.
Kaya nagpapasalamat ako kung matutulungan po ninyo kami. Apat pa po kaming magkakapatid na mga senior citizens na po at mayroon nang mga sakit.
Mayroon pang mga Xerox copies na ipinadala ko rito sa sulat ko po. Kung maaari ay masulatan po ninyo ako, nasa bundok ho kami nakatira sa Bato, Leyte at walang newspaper na pumapasok dito sa amin.
Kaya nag-c/o lang ako sa aming kakilala na nakatira doon sa munisipyo ng Bato. Sana siya ang makatanggap sa sulat at ibibigay sa akin.
Ano po ba ang aking gagawin sa one share of capital stock ng tatay ko? Ang Xerox copies ay kasama nitong sulat.
Maraming salamat po at tatanawin ko pong malaking utang na loob sa inyong tanggapan at sa iyo rin.
Salamat.
Respectfully yours,
FLOCERFINA G. IMPERIAL
c/o Mr. & Mrs. Jose dela Cruz
Brgy. Tinago, Bonifacio St.
Leyte

REPLY: Isang magpapalang araw sa inyong pahayagan at sa column ng Aksyon Line.
Base po sa isinasaad ng batas, sakaling sumakabilang buhay ang mister ay ang misis lamang ang maaaring makatanggap ng benipisyo, hindi ang mga dependents. Kaya sa kaso ni Ginang Florcefina na namatay na ang kapwa magulang nito ay wala nang makukuhang benipisyo ang mga anak maliban na lamang sa educational benefits.
Ang educational benefit ay maaaring ipagkaloob sa sinumang dependent mula sa mga anak hanggang sa apo ngunit limitado lamang sa isang dependent. maaaring makinabang.
Sa ilalim ng educational benefit, maaaring makakuha ng 50 porsiyento ng kabuuang tution ang sinumang dependent.
Maaaring mag-apply sa field office ng PVAO sa leyte o kung saan lugar kayo nasasakop.
Ngunit kinakailangan lamang na makita ang military service record ng inyo pong magulang at kung talagang miyembro ng USAFE ang inyong ama.
Maaaring magpunta sa OTAG o Office of the Adjutant General sa PVAO ang sinuman sa mga dependent.

Sana po ay nasagot naming ang inyong katanungan.
Salamat po
Ms Norma Nuevo
Philippine Veterans Affars Office

May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line?
Maaari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola st. cor. Pasong Tirad st., Makati City o kaya ay mag-email sa jenniferbilog@yahoo.com.ph or jenniferbilog1977@ gmail.com.
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran sa abot ng aming makakaya.

Ang inyo pong lingkod ay maaari rin mapakinggan sa Radyo Inquirer DZIQ 990AM sa Programang Let’s Talk; Mag-usap Tayo, tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes, alas-7 hanggang alas-8 ng gabi; at Isyu ng Bayan tuwing Linggo, alas-8 hanggang alas-10 ng umaga. Maaari rin po ninyo na matunghayan o mapanood sa pamamagitan ng live streaming www.ustream.tv/channel/dziq.

Read more...