UAAP Player of the Week si Kobe Paras | Bandera

UAAP Player of the Week si Kobe Paras

Melvin Sarangay - September 23, 2019 - 08:37 PM

UP Fighting Maroons forward Kobe Paras

MATAPOS ang masalimuot na panimula sa kanyang collegiate career, hindi na nag-aksaya ng panahon si Kobe Paras para magpakilalang muli sa Philippine basketball.

Kaya naman agad nagpamalas ng kahusayan si Paras sa University Athletic Association of the Philippines (UAAP) kung saan tinutulungan niya ang University of the Philippines (UP) Fighting Maroons na rumatsada sa Season 82.

Kumana agad ang 6-foot-6 forward sa kanyang unang laro para sa UP kontra Adamson University Soaring Falcons bago sinundan ito ng impresibong paglalaro kontra National University Bulldogs at University of the East Red Warriors sa nakalipas na linggo.

Ipinamalas ang kanyang kahusayan sa loob ng hardcourt at pamumuno sa koponan, tinulungan ni Paras ang Fighting Maroons na humablot ng tatlong diretsong panalo at makaangat sa ikalawang puwesto sa team standings sa tangang 4-1 kartada.

Pinamunuan ni Paras ang Fighting Maroons sa ginawang 20 puntos at anim na rebound sa kanyang debut game kontra Falcons.

Sinundan ito ni Paras ng 25 puntos at anim na rebound laban sa NU Bulldogs bago ipinakita ang kanyang inside game kontra UE Red Warriors sa ginawang 12 puntos, 10 rebound at tatlong shotblock.

Kaya naman ang 22-anyos na si Paras ay maituturing na isa na sa mga top player ng liga.

Bunga nito, si Paras ang napiling Chooks-to-Go Collegiate Press Corps UAAP Player of the Week ng mga sportswriter mula sa print at online na kumukober sa nasabing beat.

Tinalo ni Paras para sa nasabing parangal sina Ateneo de Manila University Blue Eagles center Ange Kouame, University of Santo Tomas Growling Tigers forward Sherwin Concepcion at ang 1-2 punch ng De La Salle University Green Archers na sina Andrei Caracut at Justine Baltazar.

 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending