Matuloy na kaya this time ang naunsiyaming reunion movie nina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion? ‘Yan ang tanong ng kanilang fans matapos magpakilig sa isang event ng mga teacher kung saan sila nag-duet ng classic song na “Come What May”.
Ayon kay Mega, “Ito po ang regalo namin sa inyo, for the first time in forever!” Sabay pakilala sa kanyang former husband.
Sinagot naman ito ni Gabby ng, “Ms. Sharon Cuneta-Concepcion noong araw!” na sinundan ng tilian at palakpakan ng audiece.
Kaya ang tanong ng bayan, ito na kaya ang sign na pwede na uling gumawa ng pelikula ang dalawa matapos ang kanilang misunderstanding a few months ago?
MOST READ
LATEST STORIES