Maine bagong ‘superwoman’, walang tigil sa trabaho

MAINE MENDOZA

Kinaya talaga ni Maine Mendoza ang maglagare sa dalawang pelikula sa loob ng isang araw, huh!

Sa tweet photo ni Meng nitong nakaraang araw, ipinakita niya kung ano ang kanyang ginagawa kabilang na ang pag-aayos sa kanya para sa shooting ng ginagawang mga movie.

“From Isa Pa With Feelings to Mission Unstopabol – real quick. Buhok-kain-tattoo time for Claire! Isang eksena rito tapos balik-ulit sa kabila bilang Mara!

“Ano Meng kaya pa ba? #SegueDiaries.”

Take note, may Eat Bulaga pa siya niyan everyday at may Daddy’s Gurl taping pa.

Iba rin talaga ang professionalism ng Phenomenal Star, kahit bugbog ang katawan sa pagtatrabaho may time pa rin siyang mag-update ng kanyang social media accounts para sa kanyang mga fans, huh!

 

Read more...