Dulce inatake rin ng depresyon dahil sa bashers ng TNT 

Nag-backout na bilang kalahok sa grand finals ng Tawag Ng Tanghalan si Mariko Ledesma. Siya ang transgender na naging kontrobersiyal ang pananalo kay Mariane Osabel kung saan na-bash nang todo ang mga hurado ng labanan.

Sa salpukan din nila nakatikim ng mga pamba-bash ang Asia’s Diva na si Dulce. Masyadong pinersonal ng mga bashers ang mga upak sa magaling na singer, pati ang kanyang anak na si David Ezra ay idinamay pa nga ng mga ito, kaya tinamaan ng depresyon ang magaling na singer.

Sa kanyang Facebook post ay inamin ni Mariko na hindi niya kinakaya ang mga bashing na tinatanggap niya.

Sobrang personal na ang mga salitang ipinakakain sa kanya na nagdudulot sa kanya ng depresyon.

Isang malaking karangalan para sa kanya ang mapabilang sa mga grand finalists ng TNT, pero hindi niya alam kung hanggang kailan siya magpapakatatag sa mga bashing, kaya nagdesisyon siyang umurong na lang sa labanan.

May mga kaibigan naman kaming nanghihinayang sa naging desisyon ni Mariko Ledesma, matinding bashing daw ang inabot ng mga hurado nang manalo siya, pero ganito lang pala ang mangyayari.

Nakakalungkot na nakapanghihinayang nga naman ang pag-urong sa laban ni Mariko.

Read more...