Horoscope, Sept. 24, 2019

Para sa may kaarawan ngayon: Sa pag-ibig, wala sa ibang tao ang tunay na kaligayahan, kundi na sa puso. Kailangang matututo kang magmahal ng wagas at dalisay. Sa pinansyal, kahit na anong negosyo lalo na’t medyo chubby ka, tiyak ang iyong pagyaman. Simulan mo na ngayon habang papalapit na ng papalapit ang kapaskuhan. Mapalad ang 1, 9, 19, 27, 35, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Jina-Anam-Babalam.” Green at red ang buenas.
Aries – (Marso 21-April 19)— Kung hindi na magiging isip bata, mas mabilis na uunlad ang kabuhayan at sa pag-ibig kung magiging matured na ang iyong isipan wala ng kabiguan pang malalasap. Mapalad ang 9, 18, 27, 33, 42 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Om Arhate-Om-Padme.” Red at blue ang buenas
Taurus – (April 20-May 20)—Ganda ang susi ng tagumpay. Anoman ang iyong ginagawa, pag-gandahin mo. Sa ganyang paraan gagantimpalaan ka ng langit ng mas maraming suwerte at magagandang kapalaran. Mapalad ang 5, 18, 23, 25, 41 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Bodha-Dhipana-Om.” Beige at violet ang buenas.
Gemini – (May 21-June 21)—Ito ang araw na tatawaging mapalad. Oo, hindi ka lang sa pinansyal at pakikipagkaibigan papalarin, papalarin ka rin sa aspetong pag-ibig at romansa. Mapalad ang 5, 8, 26, 35, 43, at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Namoh-Om” Lilac at blue ang buenas.
Cancer – (June 22- July 22)—Simple lang ang sikreto ng tagumpay. Sa pag-ibig at pinansyal, laging maging praktikal upang mas mabilis kang yumaman at lumigaya. Itapon na sa basurahan ang ugaling maramdamin at emosyonal. Mapalad ang 5, 14, 23, 34, 43 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Om-Ne-Pad-Me-Om.” Silver at blue ang buenas.
Leo – (July 23 – August 22)—Kailangang maging masaya ka, dahil kapag lagi kang masaya ang suwerte at magagandang kapalaran ay darating sa buhay mo ng kusa, ng suwabe at ng magaang na magaan. Mapalad ang 7, 23, 28, 34, 40 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Om-Raga-Kastha-Om.” Green at yellow ang buenas.
Virgo – (August 23 – September 22)—Bilis ang susi ng tagumpay. Anoman ang ginagawa, panliligaw man o pagpapa-charming, at kahit na may kaugnayan sa salapi, bilisan mo lang at makikita mo, parang magic, kusang mapapasaiyo ang lahat ng inaasam-asam mo sa buhay. Mapalad ang 5, 9, 22, 27, 34 at 43. Mahiwaga mong mantra: “Govinda-Keh-Om.” Green at red ang buenas.
Libra – (September 23-October 23)—Wag kang inggitera. Ituloy mo lang ang mga pagsisikap at sa bawat araw na lumilipas anoman ang ipagkaloob sa iyo ng tadhana, matuto kang makuntento. Tandaang ang pagiging kuntento ang tunay na susi at sikreto ng maligayang buhay. Mapalad ang 6, 13, 21, 28, 37, at 48. Mahiwaga mong mantra: “Jagat-Guro-Dosya-Om.” Lilac at maroon ang buenas.
Scorpio – (October 24 – November 21)—Mahusay na pakikitungo sa kapwa ang kailangan. Sa pag-ibig, gamitin ang husay sa romansa at malalambing na mga salita upang mas lalong sumarap ang romansa. Sa pananalapi, kailangang marunong kang mang-uto at mabulaklak ang dila. Kapag nagawa mo iyan, kusa ka ng aasenso at liligaya. Mapalad ang 5, 9, 23, 32, 35 at 40. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Deva-Om.” Gray at pink ang buenas.
Sagittarius – (November 22 – December 21)—Hindi dapat mainip sa pagdating ng magandang kapalaran. Pagpasok ng buwan ng Oktubre, kusa ng aayon sa iyo ang langit. Magagandang oportunidad ng pagkakaperhan ang darating at sa pag-ibig muli kang kikiligin sa sobrang liligaya at sarap. Mapalad ang 3, 9, 19, 35, 44 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Shanti-Pad-Me-Om.” Purple at gold ang buenas.
Capricorn – (December 22 – January 19)—Bawal magalit! Sa mahinahong pakikipag-usap mas malaking halaga ng salapi ang kikitain. Sa pag-ibig, kung hindi mo aawayin ang kasuyo lalong iinit at sasarap ang relasyon. Mapalad ang 1, 8, 17, 27, 33, at 47. Mahiwaga mong mantra: “Jai-Guru-Deva-Om.” Red at green ang buenas.
Aquarius – (January 20 – February 18)—Iwasan ang mga taong sira ang pamilya. Kapag nakipagkuwentuhan ka sa kanila, hahawahan ka lang nila ng kamasalan. Sa mga taong may mabuti at matitinong pamumuhay ka makibarkada at makipagkuwentuhan, upang mapunta sa iyo ang suwerte nila. Mapalad ang 4, 10, 22, 38, 40 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Mohan-Karan-Om.” Green at orange ang buenas.
Pisces – (February 19 – March 20)—Wag kang puro pangarap at kuwento na wala namang kuwenta. Simulan na ang negosyong may kaugnayan sa bilog na mga bagay tulad ng prutas, pagkain at dekorasyong pang-pasko upang sa Holiday Season na ito, tuloy-tuloy ka ng umasenso. Mapalad ang 7, 8, 27, 34, 40 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Dosya-Om.” Gold at purple ang buenas.

Read more...