Hindi naninigarilyo pwede pa rin magka-lung cancer

HINDI lang ang mga naninigarilyo ang maaaring magkaroon ng lung cancer, ayon sa isinulat ni Lynne Eldrige sa VeryWellHealth.

Sa mga hindi naninigarilyo na nagkakaroon ng kanser, 10 hanggang 15 porsyento ay lung cancer. Mas mataas naman ang bilang ng mga may lung cancer na dati ay nanigarilyo.

Sa mga non-smokers, kasama ang mga dati ay nanigarilyo, na nagkaroon ng lung cancer, two-thirds ang babae. At 20 porsyento sa kanila ang hindi nakaranas na manigarilyo sa buong buhay nila.

May mga pag-aaral na nagsasabi na mas madaling gamutin ang mga pasyenteng may lung cancer na hindi nanigarilyo kumpara sa mga smoker.

Sanhi

Ang mga itinuturong sanhi ng lung cancer sa mga hindi naninigarilyo ay:

— Secondhand smoke o usok ng sigarilyo na nalalanghap ng mga hindi naninigarilyo pero nasa tabi ng nagyoyosi.
— Radon gas o radioactive gas na mula sa kalikasan at naiipon sa bahay o loob ng gusali. Maaari itong manggaling sa ilalim ng lupa at makapasok sa loob ng gusali sa pamamagitan ng mga bitak.

— Ang Asbestos exposure ay isa sa mga sanhi ng mesothelioma, isang kanser sa lining ng baga.
— Ang aerosolized oil o usok mula sa pinainit na mantika sa pagluluto

— Posible rin na nagkaroon ng kanser ang isang tao dahil sa kanyang genes o naipasa sa kanya magulang na mayroong kanser o kamag-anak na may ganitong sakit.

Uri

Mayroong dalawang uri ng lung cancer. Ang squamous cell lung cancers na tumutubo sa daluyan ng hangin at ang mga sintomas nito ay pag-ubo at pag-ubo ng may dugo.

Ang adenocarcinomas naman ay kanser na tumutubo sa labas na bahagi ng baga. Ang mga sintomas nito ay hirap sa paghinga at fatigue.

Read more...