Tekla may pa-look-alike contest para sa ‘Kiko en Lala’


MAY pasabog na contest sa premiere night ng launching movie ni Super Tekla na “Kiko en Lala” under Backyard Productions.

Ngayong Sept. 25 na ang showing nationwide ng “Kiko en Lala” kung saan makakasama rin sina Kim Domingo, Derrick Monasterio, Jo Berry, Kiray Celis, Divine Tetay at Ai Ai delas Alas. At bilang regalo sa kanyang fans, may paandar si Super Tekla bago mag-showing ang kanilang pelikula.

Kung sino man ang magsusuot ala-Tekla at i-post ito sa social media gamit ang #KikoEnLala, ay invited agad sa premiere night sa Sept. 24 sa SM Megamall. Kailangan lang nila na dumating suot ang “signature Super Tekla” outfit at may instant papremyo agad.

Bongga, ‘di ba? Kaya kung feel n’yong makisaya sa buong cast ng “Kiko en Lala” sa premiere night sugod na at ibandera ang inyong inner Super Tekla online!

Read more...