Vice sa lahat ng boto sa relasyon nila ni Ion: Salamat, mapalad ako!


NAG-THANK you ang Unkabogable Star na si Vice Ganda sa lahat ng netizens na nag-post ng magagandang comments sa viral video nila ni Ion Perez kung saan pareho silang naging emosyonal nang magpalitan sila ng “I love you” sa isa’t isa.

Nangyari ito sa isang episode ng Showtime habang nagpapalitan ng punchlines ang mga host hanggang sa mapunta ang usapan kina Ion at Vice.

May sasabihin daw si Ion kay Vice kaya ang hirit ng TV host-comedian, “Ano yun?” Pasigaw na sagot ni Ion, “I love you.”

Hirit naman ni Vice, “I love you. Uy, kinikilig ka.” Dito na biglang napaluha si Ion. Kaya sey ng komedyante, “Ba’t ka naiiyak?” Na sinagot ni Ion ng, “Hindi, kinikilig lang ako.” Maya-maya ay si Vice naman ang umiyak.

Sey ni Ion kung bakit siya naiyak, “Wala, kasi ang saya kapag nakikita siyang masaya. Kasi ang sarap makita, ang sarap makita na masaya ang taong mahal mo.”

Maraming nag-comment sa social media na naiyak din sila nang mapanood ang video ng dalawa at sana raw ay forever na ang pagmamahalan ng rumored couple.

Sa kanyang Twitter account, nagpasalamat si Vice sa lahat ng masaya para sa kanila ni Ion, “Andami niyong nagmamahal sa akin at masaya para sa kasiyahan ko. Maraming salamat!!! Mapalad ako.”

Sa isang panayam ay sinabi ni Ion na friends lang sila ni Vice pero mukhang wala namang naniniwala sa binata. Mas kumbinsido sila na matagal ng magdyowa ang dalawa.

Read more...