I-text kay Madam Sophia (July 26, 2013)

Mula kay  Jerico ng …3941, Los Banos, Laguna. April 28, 1983 ang birthday ko. Nag-aaplay po ako sa ngayon sa abroad kailan kaya ako makaka-alis?
Tugon ni Madam Sophia: Ayon sa birthday mong April 28, 1983 sa taong 2014 hanggang 2015 sa edad mong 31 makapag-aabroad ka na sa tulong ng isang kaibigang Capricorn.
>>>
Mula kay Rodelita M. Calma ng …2330. February 7, 1958 ang birthday ko. Tanong ko lang po kung ano ang bagay na negosyo sa akin. May dalawa po akong puwesto sa palengke ang kaso pahina na tsinelas po ang aking paninda. Ano ang dapat kong ilagay para muling lumakas ang aking benta?
Tugon ni Madam Sophia: Ayon sa birthday mong February 7, 1958 hindi bagay sayo ang produktong tsinelas. Sa halip ang dapat mong itinda ay bigas, grocery, at iba pang kalakal na pang-araw-araw na ginagamit ng mga tao. Sa ganyang negosyo ka muling uunlad at yayaman.
 Pangalawa, kailangan ding kumuha ka ng mga tindera na may birth date na 5, 14, 23, 1, 10, 19, 28, 8, 17, at 26, sila ang mga tinder o tauhan na magpapayaman sa iyo.
 Pangatlo kailangang tuwing sasapit ang araw ng Lunes at tuwing ika-1 ng buwan o unang araw ng buwan, pula o red ang isuot mo at yon na rin ang ipasuot mo sa iyong mga tinder at tauhan.
 Kapag nagawa mo ang tatlong simpleng suwestyon sa itaas, tiyak ang magaganap, hindi pa huli ang lahat sa taong 2014 sa edad mong 56 pataas magsisimula ka na uling yumaman.  
>>>
Mula kay  Maricar ng …7142 Bacoor, Cavite. October 12, 1984 ang birthday ko. Kailan kaya ako magkaka-boyfriend at makapag-asawa?
Tugon ni Madam Sophia: Ayon sa birthday mong October 12, 1984, sa susunod na taong 2014 hanggang 2015 sa edad mong 30 pataas, magkaka-boyfriend ka at tuluyang makapag-aasawa hatid ng isang lalaking isinilang sa zodiac sign na Aquarius.
>>>
Mula kay Ms. Leo ng …9802 July 23 ang birthday ko. May gusto kaya talaga sa akin ang classmate ko na isinilang nuong November 24 at posible kayang maging kami?
Tugon ni Madam Sophia: Tunay ngang compatible ang birthday mong July 23 sa birthday ng ka-classmate mo na November 24, basta’t lagi ka lang magsuot ng kulay na asul, pink at pula at laging magpaganda sa taon ding itong 2013 makikita mo, liligawan ka nya hanggang sa dumating ang buwan ng Setyembre hanggang Nobiyembre, abot na abot sa pasko, magiging boyfriend mo na rin siya sa wakas.
>>>
Mula kay Hillary ng …9042 Butuan City. August 16, 1971 ang birthday ko at Aril 19, 1969 naman ang mister ko. Kailan kaya kami magkaka-baby?  
Tugon ni Madam Sophia: Ayon sa birthday nyong August 16, 1971 at April 19, 1969, sa taong 2014 hanggang 2015 magkaka-anak na kayo ng isang cute, malusog at matalinong sanggol na lalaki.

Read more...