MATINDING insekuridad ang nararamdaman ng isang kilalang female personality sa sinumang nagiging malapit sa kanyang kadugo.
Ayaw niyang may nakalalamang sa kanya, gusto niyang sa kanya lang nakatuon ang atensiyon ng kanyang kapatid, kaya agad siyang gumagawa ng paraan para mapigilan ang pagkakaibigang kinaiinsekyuran niya.
Maraming beses na palang nangyari ang ganu’n, pare-pareho ang dramang ginagawa ng babaeng personalidad, bulong siya nang bulong sa kanyang dear sister ng kung anu-anong kuwento tungkol sa taong nakikipag-close sa kanyang utol.
Kuwento ng aming source, “Kaya maraming kaibigan nu’ng girl ang umiiwas na lang sa kanya, kasi nga, siguradong magpapakalat ng kung anu-anong kuwento laban sa kanila ang female personality.
“May isang friend ang sister niya, close talaga ‘yung dalawa, as in, parang magkapatid na ang turingan nila. Aba, nabulabog si female personality, hindi puwedeng mangyari ‘yun!
“Ipinagkalat niya ang kuwento na kung wala raw ang sister niya, e, hindi magkakaroon ng mga branded stuff ‘yung girl! Mga pinag-alusan lang daw na kagamitan ng sister niya ang ipinagmamayabang nu’ng girl!
“‘Yung isa namang kaibigan ng sister niya, e, siniraan din ng female personality! Kesyo kapag nagpupunta raw sa housing authority ng sister niya ang taong ‘yun,e , nag-uuwi ng mga tira-tirang ulam!
“Iniaasa lang daw ng taong ‘yun ang kabuhayan showcase niya sa dear sister ng female personality. Nakakaloka siya, di ba naman?” unang chika ng aming impormante.
Puro kabaligtaran ng mga totoong nangyayari ang ipinakakalat ng female personality, ayon sa aming source, dahil ang totoo ay siya mismo ang umaasa lang sa mga biyayang nanggagaling sa sister niya.
Patuloy ng aming source, “Siya mismo ‘yung sinasabi niyang umaasa lang sa kapatid niya, siya ‘yun, hindi ang mga taong hinaharangan niya ang pakikipagkaibigan sa sister niya!
“Siya ang palahingi sa sister niya, siya ang sangkatutak na kadramahan ang ginagawa para lang makagetlak siya ng datung sa sister niya!
“Naku naman, Bradly Guevarra, Tita Nene Ulanday, Jon at Ching Bautista Silverio, kailangan pa bang i-memorize kung sino ang female personality na ito?