RIGHT t after pala ng controversial “duraan incident” between Kylie Versoza and Maxine Medina sa taping ng serye nila sa ABS-CBN na Los Bastardos, nag-guest pa ang dalawang beauty queens sa Kapamilya morning show na Magandang Buhay.
At doon marami ang nakapansin na pilit na pilit ang pagbabati nina Kylie at Maxine. Siyempre naman, kasi nga, fresh na fresh pa ang nangyari sa kanila sa taping ng Los Bastardos.
Ilan sa comments na nabasa namin sa guesting ng dalawang beauty queens ng Los Bastardos ay kumakampi kay Maxine.
Kung silla raw si Maxine, gagantihan talaga nila si Kylie sa guesting nila sa Magandang Buhay. Dapat daw duraan din niya ang girlfriend ni Jake Cuenca. Pero may nag-react naman na hindi bastos si Maxine para ipahiya o komprontahin si Kylie on national TV.
One of the comments ay ganito namam ang sabi, “Halatang may something pa din. Look at their body language. Palayo sa isa’t isa ang mga paa nila at si Max parang gusto pang mag-scoot pero wala ng space.”
Buti na lang at tsinika-tsika na lang ng Magandang Buhay hosts na sina Jolina Magdangal, Karla Estrada at Melai Cantiveros ang kanilang guests from Los Bastardos kaya hindi na masyadong nahalata ang pagkaimbiyerna nila.