Lee Sang Yoon, Jang Na Ra, bibida sa ‘VIP’

NGAYONG October naman ang pagsisimula ng bagong mystery drama na pagbibidahan ng Korean heartthrob na si Lee Sang Yoon at magaling na actress na si Jang Na Ra, ang VIP.

Iikot ang kuwento ng serye sa buhay nina Na Jung Sun (Jang Na Ra) at Park Sung Joon (Lee Sang Yoon).

Mag-asawa ang dalawa sa serye na nagtatrabaho sa isang department store na puro VIP ang customers.

Dahil sa isang hindi inaasahang pangyayari, magugulo ang buhay ng mag-asawa.

Kasama rin sa cast ng VIP sina Lee Chung Ah at Kwang Sun Young fresh from their appearances sa Beautiful World at Encounter.

Kabilang sa mga hit K-drama ni Sang Yoon ang Life Is Beautiful (2010), The Duo (2011), My Daughter Seo Young (2012), Goddess of Fire (2013), Angel Eyes (2014), Liar Game (2014), Twenty Again (2015), On the Way to the Airport (2016) at Whisper (2017).

Bumida naman si Na Ra sa Hello Monster (2015), One More Happy Ending (2016), Go Back Couple (2017) at The Last Empress (2018). — Joshua Jazz Lapitan

Read more...