LET’S start the working week with a feel-good blind item.
Tampok dito ang dalawang magkaibigan: isang male TV host at isang sikat na propesyonal cum businesswoman.
Years ago, it was the TV host who broached the idea na isang wise investment na bilhin ng kanyang female friend ang isang property in the eastern part of Metro Manila. Gustuhin man ng TV host to acquire it for himself ay hindi aabot ang kanyang nakatabing pera to be able to meet the P50-million worth of property.
Back then ay masalapi na ang negosyanteng babae only that she had more dollar savings. Hindi pa US$1 is to P50 something ang exchange rate noong mga panahong ‘yon.
Dahil interesado rin naman ang businesswoman, she had to withdraw from her dollar savings katumbas ng halaga ng propiyedad in peso. Nagkataon namang sumadsad ang palitan ng dolyar against the peso under a presidential term kung kaya’t kung tutuusi’y nakabuti pa ang pagwi-withdraw niya.
Nabili niya ito kung saan nakatirik ang kanyang negosyong popular sa mga artista.
Years later, nang i-assess na ang value ng property ay dumoble na ito, as in from P50M to P100M! Bukod sa tiba-tiba ang negosyante, part of the property ay pinauupahan niya sa isang sikat na banko at P600,000 a month (baka nga tumaas na ngayon).
In short, may dapat ipagpasalamat ang businesswoman sa male TV host without whose astute business acumen ay hindi sana siya nananagana nang bonggang-bongga.
Clue: ang pagsusuot ng “boots” ay dapat “below” the belt.