NAHARANG ng mga miyembro ng Bureau of Customs (BOC) ang anim na kahon ng liquid marijuana sa Ninoy Aquino International Airport (Naia), ayon sa ahensiya.
Sinabi ng BOC-Naia, na idineklara ang package bilang “ULEI CBD full plant extract” na inimport sa bansa ng sender na si Bayer Jasilica noong Biyernes.
Ngunit nang magsagawa na ng inspeksyon at pagsusuri ang mga otoridad, nagpositibo ito sa Tetrahydrocannabinol o liquid marijuana.
“The boxes labeled Lady Mary Farm Cannabidiol CBD Oil BIO was reportedly shipped from the country Romania,” ayon sa BOC.
Kinilala ng ahensiya ang consignee ng package bilang Jeffrey Ciabal Perez ng San Pablo City, Laguna.
Kinasuhan na si Perez ng Importation of Dangerous Drugs sa paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act.