MALUNGKOT ang mundo ng showbiz ngayon dahil sa pagpanaw ng award-winning director na si Mel Chionglo at ng entertainment editor-columnist (Manila Standard) na si Isah Red.
Ang kaibigang director na si Joel Lamangan ang nagpaabot ng malungkot na balita tungkol sa pagyao ni direk Mel.
Ibinahagi rin ito sa Facebook ni Dennis Evangelista, line producer at manager ni Allen Dizon. Nakatrabaho ni Dennis si direk Mel sa mga pelikulang “Lauriana” at “Iadya Mo Kami.”Siya rin ang nagdirek ng mga pelikulang “Dyesebel” ni Alice Dixson at “Babaeng Hampaslupa” ni Maricel Soriano.
Samantala, ang producer namang si Baby Go ang nagparating sa kanyang mga kaibigan at kasamahan sa industriya ng pagpanaw ni Isah. Isa si Isah sa haligi ng Society of Philippine Entertainment Editors o SPEEd.
As of presstime, wala pang mga detalye tungkol sa naging sanhi ng pagpanaw ng dalawang showbiz personalities pati na ang tungkol sa kanilang wake.
Nakikiramay ang BANDERA sa pagpanaw nina Direk Mel at Isah.