Matagumpay na nasungkit ng former child star na si Duday o mas kilala ngayon bilang si Isabelle de Leon ang titulong Miss Multinational Philippines 2019 sa katatapos lang na Miss World Philippines 2019.
Nagpasalamat ang Kapuso star sa mga importanteng tao sa kanyang buhay na tumulong para maiuwi niya ang nasabing korona.
“My heart is full with gratefulness. I wouldn’t be here if it weren’t for all of your love and support. That’s why I dedicate and share this victory with every single one of you.”
Mukhang dedma lang ang dalaga sa mga bashers na nagsasabing wala raw siyang karapatang manalo ng korona sa Miss World PH dahil kulang daw siya sa height. Ayaw na sigurong patulan ito ni Duday dahil naniniwala siya na deserving din siya sa crown and title dahil ibinigay talaga niya ang kanyang 100 percent sa pageant.
Samantala, malapit nang mapanood si Isabelle sa highly-anticipated GMA Afternoon Prime series na Madrasta ngayong Oktubre kung saan siya ay gaganap bilang isa sa mga kaibigan ni Arra San Agustin.
Bukod sa dalawang Kapuso stars, makakasama rin nila sa serye sina Thea Tolentino, Juancho Trivino, Phytos Ramirez, Gladys Reyes, Manilyn Reynes at Almira Muhlach.