Briton patay sa plane crash

NASAWI ang isang pilotong British national nang bumagsak ang pinalipad niyang light plane sa Arayat, Pampanga, Biyernes ng hapon.

Nakilala ang nasawi bilang si Mark Hogget, 55, residente ng Tarlac City, ayon sa ulat ng Central Luzon regional police.

Bumagsak ang 2-seater Quick Silver ultra light plane na pinalipad ni Hogget dakong alas-3, sa isang palayan sa Brgy. Lapaz Turu.

Sinabi ng mga residente na nakita pa nilang umikot ang eroplano bago ito bumagsak.

Ang naturang eroplano, na may body number RPS-2785, ay pag-aari ng Angeles Flying Club, ayon sa ulat.

Inaalam pa ng mga awtoridad ang sanhi ng pagbagsak ng eroplano. m

Read more...