KINAKARIR ngayon ng beauty queen-actress na si Megan Young ang pagiging gamer. Isa ito sa bonding moments nila ng kanyang boyfriend na si Mikael Daez.
Kuwento ng leading lady ni Rayver Cruz sa Kapuso afternoon series na Hanggang Sa Dulo Ng Buhay Ko, matagal na niyang gustong karirin ang video game live streaming at super happy siya na nagagawa na niya ito ngayon, kasama ang kanyang dyowa.
Sey ng Kapuso actress, nasa stage na siya ngayon ng kanyang buhay na wala nang iniisip na kanegahan a basta kung ano ang magpapasaya sa kanya ay go lang siya nang go.
“But now it’s mainly doing what I want to do. I’m doing my stream,” she said, referring to video game live streaming, or the practice of broadcasting live on social media her gameplay.
“I’ve been pursuing gaming, like I’ve always wanted to do that in high school. Mikael and I are doing the podcast, doing the vlog, and we’re doing things that we’re not even sure of what they’re going to be in the next five years.
“For as long as we’re happy doing it, okey na ‘yon. My mindset has been changing. Before I’d be like, ‘Oh, I am so tired, I don’t have enough time to do this and do that.’
“But then I changed my mindset, I’m like, ‘You know what, I’m doing a lot, and I am really thankful that I am doing a lot,'” chika pa ni Megan.
Samantala, sa pagpapatuloy ng naman ng laging trending at pinag-uusapang Kapuso horror-suspense-drama series na Hanggang Sa Dulo Ng Buhay Ko, mas titindi pa ang problema nina Yvie (Megan) at Matteo (Rayver) dahil sa pagsanib ng kaluluwa ni Naomi (Kris Bernal) kay Katya (Kim Domingo).
Hindi tatantanan ni Naomi si Matteo hangga’t hindi ito nahuhulog sa kanyang patibong gamit si Katya. Bukod dito, maghahasik din siya ng kasamaan sa pamilya ni Yvie para tuluyan na niyang masolo si Matteo hanggang sa hukay.
Kaya huwag nang bibitiw sa pagpapatuloy ng kuwento ng Hanggang Sa Dulo Ng Buhay Ko, Lunes hanggang Sabado, sa GMA Afternoon Prime pagkatapos ng Eat Bulaga.