Kim Domingo single pa rin: Iwas muna lalaki


Speaking of Kim Domingo, parang anghel na lumapag mula sa lupa ang peg ng Kapuso actress sa nakaraang media conference ng kanyang upcoming movie na “Kiko en Lala,” kung saan isa siya sa makakatambal ng komedyanteng si Super Tekla.

Nang tanungin si Kim kung enjoy ba siya sa kanyang pagiging single ngayon, ibinunyag ng aktres na wala muna siyang balak pumasok uli sa isang relasyon.

Sa wala rin nauwi ang halos tatlong taong relasyon ng Kapuso sexy actress sa dati niyang boufriend na si Mike Acuna pero mutual naman daw ang kanilang desisyon na maghiwalay na.

“Work muna ako ngayon. Tsaka itong ginagawa kong teleserye (Hanggang Sa Dulo Ng Buhay Ko) medyo mabigat talaga siya. Nagkaroon na ng twist ang character kong si Katya, so, yung focus ko ay doon muna talaga, kasi gusto kong mabigay yung best ko,” pahayag ni Kim.

Ibang-ibang Kim naman ang mapapanood ng publiko sa “Kiko en Lala” bilang leading man ni Tekla, “Ito ‘yung talagang gusto kong ginagawa, like sa Bubble Gang, sobrang light lang, good vibes lang, yung tatawa lang kayo nang tatawa.”

Showing na ito sa Sept. 25 sa mga sinehan nationwide, from Backyard Productions and directed by Adolf Alix, Jr..!

Read more...