DEAR Liza,
Good day! Mayroon sana akong gustong ihingi sa iyo ng tulong. Tungkol ito sa aking SSS.
Mayroon akong kasalukuyang salary loan na hindi ko pa nababayaran simula ng ito ay aking matanggap noong 2003. Nawalan kasi ako ng trabaho noon. Batid kong lumalaki ang tubo nito.
Pwede bang i-waive ang interes nito? Nais ko rin sanang itanong kung maaari ko pa itong ipagpatuloy. Ano ang dapat kong gawin? Sana ako ay matulungan ninyo.
Thanks.
Maricar
REPLY: Ito ay bilang tugon sa katanungan ni Ms. Maricar ukol sa kanyang loan balance.
Nais po naming ipaalam kay Ms. Maricar na hindi maaaring mai-waive ang interest ng loan.
Ang interest at penalty ng loan ay patuloy na tataas hanggang hindi nababayaran nang buo ang loan. Pinapayuhan namin siya na sa oras na mayroon siyang kakayahang bayaran ang loan ay gawin ito.
Maaaring bayaran ang loan nang buo o installment.
Nagtanong din si Ms. Maricar kung “maaari ito ipagpatuloy.”
Kung ang tinutukoy niya rito ay ang pagpapatuloy ng pagbabayad ng contributions, maaari po.
Kailangan lang niyang magbayad sa mga bayad center, accredited banks ng SSS, sa mga SSS offices na may tellerring serving gamit ang SSS Form RS-5.
Ang form na ito ay maaaring ma-download mula sa www.sss.gov.ph.
Sana ay nabigyan namin ng linaw ang mga katanungan ni Ms. Maricar. Salamat sa inyong patuloy na pagtitiwala.
Sumasainyo,
MAY ROSE DL FRANCISCO
SOCIAL SECURITY OFFICER IV
SSS MEDIA AFFAIRS
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapag-
lingkuran
sa abot ng
aming makakaya.
Kaya naman huwag kayong mag-atubiling sumulat sa Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola St. cor. Pasong Tirad st., Makati City.
Maaari rin kayong mag-email sa jenniferbilog@yahoo.com.ph Serbisyo publiko sa AKSYON LINE. Kakampi mo! Maaasahan!