Wedding nina Matteo-Sarah fake news: Totoong may ikakasal, pero hindi sila

BRIDAL shower pala ng sister ni Matteo Guidicelli na si Georgia ang inilabas na video clips ng fans ni Sarah Geronimo sa social media nitong nakaraang araw.

Si Sarah kasi ang tata-yong maid of honor sa kasal ng sister ng kanyang boyfriend kaya naman umapir siya sa nasabing wedding event.

Nananatiling tikom ang bibig nina Mat at Sarah sa tanong ng bayan kung kasalan na ba ang kasunod na level sa relasyon nila.

Samantala, bumisita kamakailan si Matteo sa Basilan State College kung saan tinilian at pinagkaguluhan siya ng mga estudyante gaya ng isang lalaki na nag-I love you pa sa kanya, huh!

Kahit may mga hindi magandang balitang nangyayari sa Basilan, para kay Matteo, “What a beautiful place and definitely loving people,” saad niya sa kanyang video sa Instagram.

q q q
Bet na bet ng netizens ang tambalan nina Gabbi Garcia at Gil Cuerva na magkasama ngayon sa Kapuso primetime series na Beautiful Justice.

After Ruru Madrid na unang naka-loveteam ni Gabbi, bagay na bagay din daw niyang kapareha si Gil dahil sa matindi nilang chemistry on screen. Ang lakas daw kasi pareho ng kanilang sex appeal.

In fact, talagang abangers lagi ang kanilang mga fans sa Beautiful Justice every night sa GMA Telebabad at sana raw ay dagdagan pa ang kilig moments ng dalawa.

“They are so visually appealing together! I ship,” ang comment ni @sharkushark.
“Wow! Super bagay sila together. Too bad the are currently in a relationship. IRL..but still. I still stan,” sabi naman ni @FrayFrayC13.

Read more...