KINUMPIRMA ng pulisya na namatay ang isang plebo ng Philippine Military Academy makaraang bugbugin ng tatlong kapwa kadete.
“Based on the medico-legal report ng ating Crime Laboratory, lumabas na mauling inflicted on the body [caused his death],” Ani Brig. Gen. Israel Ephraim Dickson, hepe Cordillera Police Regional Office in Cordillera.
“Lumalabas na may force na pwedeng sinuntok at sinipa,” aniya sabay dagdag na nagtamo ang biktimang si Darwin Dormitoryo ng mga sugat sa katawan.
Namatay si Dormitorio noong Miyerkules.
Ani Dickson, mayroong tatlong persons of interest sa kaso–dalawang third class cadets o ‘yung nga kadete na nasa ikalawang taon at isang first class cadet o graduating student.
Nahaharap ang tatlo sa paglabag sa Anti-Hazing Law.
Patuloy ang imbestigasyon sa kaso, ani Dickson.
Base sa ulat, dinala si Dormitorio sa PMA Hospital dalawang linggo na ang nakararaan dahil sa sakit sa tiyan.
Namatay siya habang ginagamot dahil sa halos walang tigil na pagsusuka.