LIMA ang pinarangalan ng Office of the Ombudsman dahil sa kanilang katapatan. kabilang na ang isang Marine, na namatay sa isinagawang operasyon ng militar sa Marawi City.
Sa programang tinaguriang Aguhon ng mga Bagong Bayani, pinangunahan ni Ombudsman Samuel Martires ang pagbibigay ng plake at cash sa mga magulang ng yumaong si 1/Lt. John Frederick Savellano, empleyado ng airport na sina Sixto Brillante Jr., Ronald Gayadan, Grace Laxamana, at binatilyong si Agustin Laude.
Si Savellano ay kabilang sa mga Marines, na nagbalik ng P79 milyon cash at tseke na natagpuan sa isang bahay na pinaniniwalaang inokupahan ng mga lider ng teroristang grupong Maute.
Si Savellano ang pinuno ng 37th Marine Company – Marine Battalion Landing Team 7.
Nagtatrabaho naman sina Gayadan at Brillante work sa Ninoy Aquino International Airport (Naia).
Nakatalaga naman si Laxamana sa Clark International Airport sa Pampanga.
Nauna nang nakatanggap si Gayadan ng maraming parangal dahil sa maraming pagkakaon na ipinakita niya ang kanyang katapatan, kung saan umabot sa P2.4 milyon ang pinakamalaking halaga na kanyang naibalik.
Nakapulot si Brillante ng P400,000 habang nililinis ang isang comfort room sa Naia, samantalang nakita naman ni Laxamana ang pera ng isang overseas Filipino workers (OFW).
Nabalita naman si Laude matapos isoli ang bag na may lamang P300,000 nang siya ay bata pa lamang.
Sinabi Martires na ang parangal at P50,000 ibinigay sa kada isang pinapurihan ay hindi pabuya kundi bilang pasasalamatan sa kanilang integridad.
“‘Yon hong ibibigay namin ay hindi po pabuya yon. ‘Yon ho ay pasasalamat ng buong bansa, ng bawat Pilipino, na may mga taong katulad ninyo,” sabi ni Martires.
“Pagpapasalamat ho ‘yon, hindi ko ho pera ‘yon, hindi ho pera ng Ombudsman ‘yon, pera ho ‘yon ng sambayanang Pilipino na inatasan kaming mamahala at ipamahagi sa mga taong dapat nating pasalamatan,” ayon pa kay Martires.