Young JV lagare sa pag-aaral, pag-arte, pagkanta

AILEEN CHOI-GO AT YOUNG JV

MAPAPASABAK uli sa matinding aktingan ang magaling na singer na si Young JV. Siya ang gaganap na main kontrabida sa upcoming action-drama film na “Death Card”.

Kuwento ng Kapamilya singer-actor, ito ang unang pagkakataon na magiging villain siya sa pelikula kaya excited na siyang mapanood ito ng madlang pipol.

Nakachikahan ng entertainment media ang binata sa launching ng Fasclean Extra Power Detergent Powder, ang bagong produkto ng Megasoft Hygienic Products Inc.. Siya ang maswerteng napili ni Aileen Choi Go bilang first celebrity endorser nito.

Matagal-tagal na ring hindi napapanood sa telebisyon ang binata, ito’y dahil mas concentrated siya ngayon sa pagiging singer at estudyante. Pero aniya, kung magkakaroon ng offer to do another teleserye, hindi niya ito palalampasin.

Napanood na siya sa ilang episode ng Maalaala Mo Kaya at Ipaglaban Mo, at naging guest na rin sa Ang Probinsyano, La Luna Sangre at iba pang TV series ng ABS-CBN.

Kamakailan lang ay ni-release na rin ang latest single niyang “Malandi Ka” from his own music label, Not So Famous, under Star Music. Nakatakda rin siyang mag-produce ng hip hop, R&B and electronic dance music hindi lang para sa mga Pinoy but also for international market tulad ng Korea, Myanmar at Indonesia.

Bukod nga sa pagiging artista at singer, tinatapos din niya ang kanyang seven-month business course sa Thames International. Sabi ni Young JV, ang desisyon niyang magpatuloy sa pag-aaral ay dahil na rin sa impluwensiya ng Megasoft executive na si Aileen Go. Magkasama sila ngayon bilang endorser ng Fasclean.

Si JV din ang kumanta ng jingle ng produkto, “Aside from cleaning clothes, what I like about Fasclean is its relaxing sampaguita fragrance,” Young JV says. “I can’t wait to perform for Fasclean so we can showcase our new dance concepts, choreography and music.”

“Young JV is an achiever, world-class in music and values his education. He is a classy gentleman, very polite and thoughtful,” pahayag ni Aileen tungkol kay JV na ilang beses na ring nakasama sa pag-iikot ng Megasoft sa bansa para sa kanilang “School is cool” advocacy.

“As moms, we want to be empowered, to be fulfilled, work hard and attend to our loved ones’ needs. We just want to love and take care of our family, give our best to always make them happy,” sabi pa ni Ms. Aileen.

Siyanga pala, sa mga hindi pa nakakaalam, may special participation din si Aileen sa pelikulang “Block Z” nina Julia Barretto at Joshua Garcia. Kung ano ang role niya rito, ‘yan ang dapat n’yong abangan.

Read more...