Alden, Dennis, Ken pinakilig ang mga Thai; 4 Kapuso teleserye ipalalabas sa Thailand

KEN CHAN, DENNIS TRILLO AT ALDEN RICHARDS

GUWAPING na guwaping sina Dennis Trillo, Ken Chan at Alden Richards nang dumalo sa event ng JKN Global Media, isang media content company sa Thailand.

Ipalalabas sa nasabing bansa ang mga Kapuso series na pinagbidahan nila. Ito ang My Faithful Husband ni Dennis, Destiny Rose at Meant To Be ni Ken at Destined To Be Yours ni Alden.

Habang nasa Thailand, na-interview ang tatlong Kapuso leading man para sa The Anne Show, isang kilalang talk show sa Thailand. Naka-post sa hashtag na #TheGiftPaglakiNiSep ang litrato ng apat na aktor na kuha before and after the interview.

Patok na patok silang tatlo sa mga Thai na hindi maitago ang kilig nang mapagmasdan up close and personal ang kanilang kaguwapuhan.

Inilabas naman ni Alden ang kanyang look sa Instagram bago sumalang sa event.

But wait, maging si Maine Mendoza ay may pasabog na bagong picture sa Instagram. Pinusuan ng kanyang followers ang litrato na hangang-hanga sa classic beauty ng Dubsmash Queen, huh!

Read more...